TMAFK#59

13.6K 448 246
                                    

Adriana's pov.

Nag-impake na ako ng aking mga gamit dahil may flight na kami pabalik sa amin. Two days lang kami dito sa resort ni Abigail kung saan ay sulit na sulit.

"You look beautiful even without makeup." Nagulat ako nang biglang sumulpot sa tabi ko si Dominic habang bitbit ang kanyang maleta. Hindi ko na binigdeal 'yung halik niya dahil lasing ito at hindi na niya tanda.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo kita." Kinuha niya ang aking maleta na tila kung kumilos ay parang boyfriend ko.

"Ano ba kita para sunduin mo ako, aber?"

"I am your boyfriend." Proud niyang sabi dahilan para agawin ko ang maleta ko.

"Labas!"

"Lalaking kaibigan iyon," paliwanag niya at hinawakan ang aking labi.

"Manyak!"

"Manyak agad? Halikan kaya kita d'yan." Napa atras ako nang bigla akong sunghaban.

"Sige, lumapit ka." Sigaw ko pero mas lalo siyang sinigihan. Ilang inches na lang ay dadampi na ang labi niya sa labi ko.

"Bwesit ka!"

"Sabi mo lumapit ako." Bulong niya at hinawakan ang dalawa kong kamay upang hindi ako makawala sa kanya.

"Don't kiss me or else hindi na kita kakausapin." Ang halik niya ang kinakatakutan ko sa lahat dahil nagiging marupok ako.

"Sino bang may sabing hahalikan kita?" Tanong nito na may kasamang pang-aasar.

"So, ano ito?"

"Assuming ka talaga, Miss Chubby." At pinunasan niya ang labi ko gamit ang hawak niyang panyo.

"Lampas ang lipstick mo." At tumawa ito ng hagot dahilan para mapahiya ako.

"Sana sinabi mo kanina pa."

"How many times do I have to tell you na maganda ka kahit walang make up." Pangaral niya habang patuloy pa rin sa pagpunas sa ilalim na bahagi ng labi ko.

Nakatingin lang ako sa kanyang mukha nang mapansin ko ang isang piklat. Ilang weeks ko na siyang nakakasama pero ngayon ko lang iyon nakita.

"Napaano ito?" Hindi ko mapigilang hawakan ang kanyang pisngi habang nag-aalala.

"Alin, 'yung gwapo kong mukha?"

"Why do you have a scar on your face?" Pagalit kong tanong. Nawala lang ako ng ilang buwan 'di na niya inalagaan ang kanyang sarili.

"Relax lang! Kung makatanong ka parang ex ko." Nakangiti niyang sambit at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa kanyang pisngi.

"May nanakit ba sa'yo?"

"Wala ito." Mukhang wala siyang balak sabihin sa akin ang totoo.

"Ano nga?"

"Why did you ask?" Pabalik na tanong sa akin.

"I'm just concern."

"Sabi ko na nga ba type mo rin ako." Wika niya at kinilig ito.

"Whatever!"

"I got this scar dahil sa babaeng minahal ko ng sobra." Seryoso niyang sambit at lumayo na sa akin para makahinga ako nang maluwag.

"Ah si Belle?"

"Hindi si Belle kundi ikaw." Pangongorek niya sa sinabi ko.

May nerbyos ba ako? Ba't bumibilis na naman ang tibok ng puso sa kanya?

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon