TMAFK#67

13K 358 31
                                    

Alex's pov.

"Kuya Alex maghinga ka na mo na." Lumapit sa akin si Maxine at kinuha ang hawak kong mineral upang ipamigay sa mga bisitang nakikiramay.

"Kaya ko pa naman."

"Two days ka nang walang maayos na tulog. Kami na bahala dito Alex." Nag-aalalang sambit ng girlfriend ko.

"May lakas pa ako, Drea. Kaya ko pa." I wanted to cry pero hindi ko magawa. Ayokong umiyak sa harap ni Adriana dahil alam kong magagalit iyon.

"My sincere condolences to you and your family." Nakipagkamay naman ako kay Chairman Sy bilang pasasalamat sa pakikiramay ng buong SEU students at SEU teachers sa amin.

Thank you Mr. Sy!"

"Napaka bait niya kaya maraming nagmamahal sa kanya." Malungkot na sambit ni Chairman Sy habang nakatingin sa kabaong.

I hope you will be happy. Makakasama mo na si Mama sa langit. Please guide us.

"Kuya Alex, ayaw pa rin kumain ni Yuri. Kanina ko pa ito pinapakain pero iyak lang nang iyak." Sumbong ni Maxine habang magang maga din ang mata kaiiyak.

"Sige! Ako na bahala."

Lumapit ako kay Yuri na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. "Yuri, let's eat. Need natin ng lakas ngayon kaya umain ka na."

"I c-can't." Awang awa ako sa kanya dahil napaka sakit talaga ang mawalan ng membro ng pamilya.

"Ayaw ni Adriana na makita kang umiiyak. Please, tahan na."

"Bakit agad niya tayong iniwan? Ang sakit!" Niyakap niya ako habang patuloy lang sa pag-iyak. Ang bata pa niya para maranasan ito.

"There was a reason kung bakit kinuha agad siya ni God sa atin. Please, don't cry."

"Thank you Kuya Alex!"

"From now on, I will take care of you. Ituring mo na rin akong kapatid gaya ng kagustuhan ni Adriana." Hindi ko na rin napigilang hindi maiyak dahil sa huling kahilingan niya na alagaan ko si Yuri.

I hope everything will be okay.

Third person's pov.

Isang buwan ang lumipas ay namuhay na nang tahimik ang pamiyang Chavez at Monreal. Si Alex ang namamahala sa kayamanan ayon sa kagustuhan ni Isaac Monreal.

Si Anabelle Celocia ay nakulong sa maraming kaso dahil nasa sapat na gulang na ito.

Habang si Kristoff ay naka recover sa sakit niyang leukemia sa tulong ng mahuhusay na Doctor.

Si Dominic naman ay madalas hindi pumasok dahil hindi pa ito naka recover sa mga nangyari.

"Good morning president!" Bati ng mga estudyante nang makasalubong ang bagong nahalal na tagapangasiwa ng SEU.

Nabago ang rules at patakaran ng school dahil sa bagong presidente. Naging tahimik at bilang na lang ang mga estudyanteng bully.

"President!" Agaw atensyon ang pagsigaw ng isang estudyante habang nagmamadaling papunta sa president.

"Yes?"

"May gulo po sa canteen." Sumbong nito dahilan para agad na umaksyon ang mga SSG officers dahil isa sa mga plata porma nito ay ang anti-bullying at katahimikan ng paaralan.

Mas hindi nagustuhan ng presidente ang nakitang pambu-bully ng isang lalaki sa kanyang kaklaseng babae. Ni walang isang estudyante ang umawat dahil sa takot.

"I will not forgive you, Larra." At hahampasin na sana ng bangko ang babae nang humarang ang president.

"Hindi inuugali ng isang lalaki ang pumatol sa isang babae, Mr. Leomel." Matapang na sambit ng president at tinulungan makatayo ang estudyante habang takot na takot.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon