TMAFK#28

20.5K 534 60
                                    

Adriana's pov.

"Nandito ba si Yuri?" Tanong ko sa mga kaklase ni Yuri ngunit ni isa sa kanila ay walang nakakaalam. Nilibot ko na ang buong resort ngunit ni anino niya ay hindi ko nakita.

"Wala po, Ate Adriana."

Nakaramdam ako ng takot dahil sa natanggap kong message kanina mula sa unknown number.

'Go to the forest and find your best friend Yuri or else I will kill her brutally HAHAHA!

Ps: Find a red flag as your first activity for me.'

"Umalis si Yuri kanina ngunit hindi na ito bumalik. Almost one hour na." Tumakbo na ako palayo sa kubo dahil sa takot na baka totoo ang na-receive kong message.

Hindi ako naniwala nung una dahil baka pinagtitripan lang ako pero hindi ko na mahagilap si Yuri. Kaya malaki ang posibilidad na totoo ang nasa message. I hope, she's safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak ito nang dahil lang sa akin. Alam kong ako talaga ang target nila dinamay lang si Yuri.

Nagmadali akong pumasok sa gubat para hanapin ang pulang watawat. Medyo madilim na ang kalangitan at nagbabadyang umulan.

Pakiramdam ko ang nagpadala ng message ay isa sa mga kaaway ko. Maaaring si Vanessa, Abigail, Bell at Eunice ang gagawa nito dahil sa galit sa akin.

"Yurii—"

Umakyat ako sa may mataas na bahagi ng lupa dahil may nakatusok dito na pulang flag.

'Lesson learned 'wag maging malandi para hindi mapahamak ang iyong mga kaibigan. Okay! Hurry up, time is running out. Bilisan mo kung ayaw mong maabutang patay 'tong kaibigan mo.

Ps: Find a white rose as my advance gift in your death. Good luck!'

Confirmed! Isa nga sa mga enemy ko na obsessed kay Mr. Sy Yabang. Hindi ko mapigilang hindi na maiyak sa pag-aalala kay Yuri. Nawalan na ako ng magulang kaya masakit para sa akin ang mawalan din ng kaibigan.

"Ayts! Bakit ngayon ka pa umulan?" Mas lalong dumilim ang kagubatan dahil sa malakas na pagbagsak ng ulan.

Tiniis ko ang sakit ng paa at kamay ko dahil sa paulit ulit na pagkakadapa at pagkakahulog dahil sa madulas na daan. Hindi ako magiging panatag hangga't hindi ko pa natatagpuan ang kaibigan ko.

Umakyat pa ako sa puno makuha lang ang nakasabit na bulaklak. Napatawa ako na may halong inis nang mabasa ko kung sino talaga ang may kagagawan nito.

"I'm will not forgive you, Abigail."

'Congratulations, Chavez! This is the last task I given to you. I will make sure you will die here without anyone else knowing. HAHAHA! Say hello to Satan, 'cause you belong to Hell. Bleh! Remember this, Dominic was mine. Only mine!!

—Your bestfriend, Abigail.

Mahalaga ang buhay ko pero mas pinapahalagahan ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko na hahayaan na may magsakripisyo pang iba nang dahil sa'kin.

"Yuriii.." I treated her like my little sister kahit one month ko pa lang siyang nagkikilala. I am comfortable with her at 'di ko hahayaan mapahamak ito.

I will save you no matter what.
I will find you, Yuri.

"GAME OVER!"

Maxine's pov.

Marupok na tao si Adriana, but she's the strongest woman I have ever met. Kahit marami man siyang napagdaanan, maraming sakit na naranasan at maraming gulong sinangkutan.

"Hindi ko makita si Adriana."

Kainan na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Adriana sa amin. Wala naman siyang problema dahil nanalo kami sa tug of war para magkulong ito sa tent.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon