TMAFK#41

19.3K 454 25
                                    

Adriana's pov.

"Ana, I have something to tell you. I have a crush on you." Bulong ng isang batang lalaki habang nagpapacute sa kanyang kaibigan.

"We are still young, Nic." Nahihiyang sambit ng batang babae matapos ang pag-amin ng kanyang kaibigan.

"Crush lang naman e. Gusto mo pakasalan na kita ngayon?" Biro ng lalaki dahilan para kiligin ang mga batang kasama nila sa Park paglalaro.

"Seven pa lang ako."

"Can you be my girlfriend?" Tanong ng lalaki habang inabot ang bulaklak na binunot lang sa garden ng kanyang magulang.

"Ang bilis mo naman."

"Anong gusto mo mabagal? Baka maunahan pa ako ng iba sa'yo." Banat ng lalaki para mapangiti ang batang babae sa kilig.

"It's a yes for me." At pareho silang kinilig sa isa't isa. Kahit sabihin na bata pa lamang ang mga ito ay may nararamdaman na talaga sila sa isa't isa.

"Liligawan pa kita paglaki natin. I promise that you will be my wife in future."

*****

"Hinahanap mo raw ako?" Tanong ni Belle habang naka cross arm ito. Kung makatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa ay parang 'di na niya ako kaibigan.

"Let's talk!" Maagap akong pumasok para lang makausap si Belle tungkol sa mga kinikilos niya na hindi maganda para sa akin. I am her best friend pero bakit gusto niyang maagaw sa akin ang aking boyfriend.

"Nag-uusap na tayo." Pilosopo nitong sagot para mapataas ang kilay ko. Natulala ako sa suot niyang kwintas na sobrang familiar sa akin. May something talaga sa kwintas na para bang meron rin ako ngunit hindi ko tanda.

"Tungkol saan ba pag-uusapan natin?" Agad niyang tinago ang suot niyang kwintas habang kabado. Hindi ko alam kung bakit takot na takot ito nang makita ko ang suot niyang kwintas.

"Tungkol ba ito sa date namin ni Dominic?" Medyo nawalan na siya ng hiya sa akin. Mas kumapal ang mukha at nagmalaki na.

"Bakit ganyan ka na manalita, Belle? I thought, we were friends."

"Kaibigan? Oh c'mon....wala ako nun." Proud niyang sambit habang tumatawa. Kahit sabihing galit ako sa kanya ay nasasaktan pa rin ako nang itanggi niya ako bilang kaibigan.

"Anong wala? Anong tawag mo sa friendship nating dalawa?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya. She was my first best friend kaya masakit para sa akin na lokuhin at traydurin ako.

"I don't want to be your friend because you're a plastic, bitch and extra in my life."

You were my best friend since I was young pero ngayon lang lumabas ang tunay mong ugali. Ikaw ang tumayong Ate ko pero ikaw rin pala ang sisira sa friendship natin at relasyon namin ng boyfriend ko.

"Why? May nagawa ba akong mali, Anabelle?" Wala akong nagawang mali kay Belle dahil kami mismo ang nagpahalaga at tumutulong sa kanya. Pero ganito lang igaganti niya sa akin?

"Marami..."

"Tiniis ko lang ang pakikisama sa'yo, Adriana. Ngayong nahanap ko na si Daddy, I don't want you to be my friend. I hate you!" Hindi ko alam kung anong nagawa kong kasalanan pero ang nakikita ko sa kanya ay inggit.

"Kaya siguro inaagaw mo sa akin ang boyfriend ko dahil inggit ka." Inis kong sambit sa kanya.

"Excuse me, you're not for each other. Mas bagay kami kesa sa'yo." Natatakot ako sa gagawing hakbang ni Anabelle makuha lang si Dominic. Lalo na't nasa kanya ang atensyon ng lahat at ng boyfriend ko.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon