TMAFK#56

15.3K 372 135
                                    

Adriana's pov.

"Welcome home, baby!" Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Dominic ngunit nagtaka ako nang hindi ko ito mahagilap sa loob ng kwarto.

"Buwesit ka talaga Mr. Sy Yabang." Reklamo ko nang ma-realize ko na hindi niya ako dinala sa bahay kundi sa condo niya.

"I missed you!" Wala pa ring pinagbago ang dati kong kwarto simula nang mawala ako. Mukha lang malungkot dahil wala nang nag-aalaga dito.

"Kamusta, na-miss mo ako?" Hindi ko mapigilang hindi mapangiti nang makita ko ang pandang naiwan ko noon dahil sa paghihiwalay namin ni Dominic.

Sorry naiwan kita. But it was okay, walang magbabantay kay Daddy Dominic kung kinuha rin kita. Thank you for staying by his side.

"Do you like it?" Agad kong binato ang hawak kong panda nang biglang pumasok si Dominic habang may suot na apron.

"No!"

"So, why did you hug my panda?" Nakangiti niyang tanong at kinuha ito mula sa lapag dahil sa pagkakatapon ko.

"Wala, inamoy ko lang."

"Bakit mo naman tinapon? Napaka halaga nito sa akin." At niyakap niya ito sa harap ko.

"I don't like it."

"But I saw you hu——" agad kong pinutol ang sasabihin niya dahil wala na akong maisip na palusot.

"Uuwi na ako."

"It's late! Wala ka nang masasakyan." Agad siyang humarang sa daan at tila ayaw na akong paalisin.

"E di maglalakad."

"Maraming lasing sa labas." Pagkontra niya sa gusto kong mangyari.

"E 'di tatakbuhan ko."

"Swerte mo kung makakatakas ka." Panakot niya dahilan para masindak ako.

"Hatid mo na lang ako."

"Ayaw ko nga." Lumabas ito ng kwarto kaya agad kong sinundan.

"Dali na!"

"I wan't to go home na." Pangungulit ko.

"Hahahatid kita but in one condition."

"What condition?" Gagagawin ko ang gusto niya maka uwi lang ako ng bahay.

"Hug me!"

"No way!" Diring diring kong sambit. Bakit sa dami ng condition ito pa ang naisip niya?

"Okay lang! Stay here, Adriana. Sleep with me!"

"Okay, fine! Two seconds lang." Pagpayag ko na may kasamang kondisyon sa oras.

"Five seconds"

"Three seconds!" Mukhang makikipagtalo pa ang lalaking ito sa bilis ng yakap ko.

"Six seconds!"

"Fine, 5 seconds only." Pumayag na ako dahil baka umabot pa sa sampu.

"I like it!" Siya na ang unang nagfirst move sa pagyakap sa akin.

"I missed you Miss Chubby!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin dahilan para maramdaman ko ang tibok ng puso niya.

"Oy tama na."

"Please extend!" Pagmamakaawa niya para mawalan uli ako ng choice.

"Tell me, you're in love with me?"

"Assuming!" Sa wakas binitiwan na niya ako dahil sa prangka kong tanong.

"Hatid mo na ako."

"Flat nga pala ang gulong ng kotse ko. I apologize!" Saad niya at tumawa ng hagot.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon