TMAFK#38

16.4K 458 47
                                    

Adriana's pov.

"Why are you late?"

"Tanghali na gumising." Buti na lang nakita ko si Maxwel sa daan dahilan para maki sakay ako sa kanyang motor papuntang school.

"Asan ang boyfriend mo?"

"Pumasok na." Nabasa ko 'yung note ng boyfriend ko na nauna na sa school para gumawa ng research paper.

"Tsk! May problema ba kayong dalawa?" Napayakap ako sa bewang niya nang bigla niyang hiritin ang pagda-drive ng motor. Halata sa boses niya 'yung iyamot habang nag-aalala sa akin.

"Wala naman." Si Anabelle lang ang problema ko dahil sa ginawa niya kahapon. I don't know if she's still my best friend kasi ibang iba na siya ngayon.

"Anong wala? Look at your face halatang problemado." Nakita ko siyang naka silip sa side mirror habang nakataas ang kilay.

"Pagod lang ako." Ngumiti na ako para hindi na siya mag-alala sa akin.

"If you have a problem, just tell me. I am your best friend. Adriana." Sa lahat ng kaibigan ko ay si Maxwel lang ang madalas maka unawa sa akin. Lahat sila ay may care sa akin pero ibang iba ang care na binibigay ni Maxwel.

"Maxwel!"

"Bakit?" Tanong naman niya habang deretso lang sa pagda-drive.

"I miss you!"

"What's your problem? Hindi ka naman dating ganyan." Hindi niya makapaniwalang sambit sa akin.

I'm sorry for not being a good best friend to you. Hindi kita napapansin if I am happy. Pero kapag nasasaktan ako lagi kitang hinahanap hanap.

"I miss you!"

"Okay! I miss you too." Napangiti naman ako sa sinabi ni Maxwel.

"I don't care if you didn't see me when you are with your boyfriend. But always remember, Maxwel is always by your side."

Nang makarating kami sa school ay pumarada si Maxwel sa tapat ng Markine shop. Kung saan ay tapat ng Sy Stein University.

"I love your scent." Kumento ko habang tinutulungan niya akong makababa sa motor.

"I like you too." Bulong niya para mapatawa ako.

"Thank you for the ride." Tatanggalin ko na sana 'yung helmet nang bigla itong lumapit sa akin para lumawagan ang pagkakahigpit.

"Sa akin ka lang tumingin." Nagulat ako sa ginawang pagpigil ni Maxwel sa ulo ko na lumingon sa ibang direksyon.

"I know you are too handsome but please let go of my head nagugulo ang buhok ko." Natatawa kong reklamo sa kanya ngunit seryoso lang ito habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Huwag kang makulit." Medyo malakas ang pagkakasabi niya para matakot ako.

"Ba't ka galit?" Para akong bata na nakikipagtalo sa kaibigan.

"Let's go!" Hinila na niya ako patawid ng kalsada pero agad akong nagpumiglas para balikan ang bag ko na nakapatong sa motor niya.

"Adrianaaaa!"

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang boyfriend ko kasama si Belle na masayang kumakain sa loob ng Markine shop.

"Don't look at them." Tinakpan ni Maxwel ang aking mga mata gamit ang kanyang palad.

"Boyfriend ko ba talaga 'yon?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaibigan ko.

"No!"

"I want to see them." Ako 'yung tipo ng tao na mas gusto pang masaktan basta makita lang at marinig ang katotohanan.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon