TMAFK#49

13.7K 318 84
                                    

Maxine's pov

"What's happening to you? Bakit hindi ka mapakali? May problema ba?" Sunod sunod na tanong ni Ava habang pinapanood ako na kinakagat ang aking kuko.

"Kinanabahan lang ako."

"Kinakabahan ka lang because you're not with your boyfriend. Lalo na't puro girls ang mga kaklase nila."

It's not because of Airon dahil nakipagkita pa ako kanina sa kanya. Takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon na para bang naramdaman ko na dati.

"Hindi e!"

"Tumigil ka nga sa pagkagat ng kuko ang sama tingnan." Reklamo ni Ava.

"Hindi ko nga mapigilan Ava para bang may hindi magandang mangyayari." Madalas ko itong maramdaman kapag napapansin kong wala si Adriana sa tabi namin.

"Tawagan mo si Adriana now na." Utos ko kay Ava dahilan para magmadali itong tawagan ang kaibigan namin.

"Hindi ko ma-contact."

Hindi puwede. I hope walang mangyari sa kanyang masama. Sana mali ang inisip ko.

"Ma'am Alexandrea, puwede pong i-excuse si Miss Revera at Miss Martinez." Nagmamadaling paalam ng lalaki habang hindi mapakali.

"Bakit?"

"I saw Adriana na walang malay sa hagdan. And worst of all ay duguan ito. Please, pumunta na kayo."

Ito ba 'yung sign kung bakit lagi akong natatakot at kinakabahan tuwing wala si Adriana. Shit! Napahamak na naman siya habang wala kami.

"Maxine, halika na." Sigaw ni Ava habang umiiyak na. Nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa sinabi ng estudyante.

I thought, paalis na sila ng Pinas. Bakiit nandito siya sa SEU?

"Adrianaaaa" Tawag ko nang madatnan namin ang katawan nito sa floor na walang malay. Pero ang mas masakit sa lahat ay ni isang estudyante ay walang tumulong sa kaibigan ko at tanging nanonood lang sila.

"Class, tabi mo na kayo." Sigaw ni Ma'am Alexandrea habang nag-aalala kay Adriana.

Lumapit agad kami kay Adriana habang nanginginig ang aming mga kamay nang makakita kami ng dugo mula sa kanya.

"Adriana, wake up!"

"Prank ba ito? Oy gising na!" Takot ang umiibabaw sa akin. Huwag sana umabot sa part na lahat kami ay mapasuot ng black na damit.

"Girls, calm down. Papunta na dito si Alex." Saad ni Ma'am Alexandrea para magulat kami. Kilala ba niya ang kapatid ni Adriana?

"Adriana, huwag mo naman kami takutin ng ganito." Matapang na tao si Ava at hinding hindi ito basta basta umiiyak. But look at her now, umiiyak ito habang nag-aalala sa kaibigan namin.

"Call an ambulance!" Sigaw ni Dominic na mukhang kararating lang dahilan para matakot lahat ng estudyante.

"A-Adriana!" Nauutal na tawag ni Dominic at nag-aalalang hinawakan ang mukha nito habang na mumutla.

"What happened to her?"

"We don't know. Bigla na lang namin siyang nadatnan na walang malay at duguan. At ni isa'y walang tumulong sa kanya." Wala akong karapatan magalit kay Dominic ngayon dahil kailangan namin ng tulong niya.

"Hayop ka Belle!" Nagkagulo ang lahat nang sugudin ni Ava si Belle na nanonood lang sa isang gilid.

"Wala akong kasalanan." Sigaw ni Belle habang natatakot at kinakabahan. Hinayaan ko lang na saktan ito ni Ava dahil malakas ang kutob ko na may kagagawan siya dito.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon