TMAFK#22

21.9K 451 55
                                    

Adriana's pov.

In life, there's a lot of pain na mararanasan natin. Minsan masakit, minsan naman ay mas masakit at minsan ay sobrang sakit.

"I'm back!" Huminga mo na ako nang malalim bago umpisahan lakarin ang hallway. Two days na akong absent dahil sa pinagdadaanan ko. Thanks to my tears, nabawasan 'yung sakit.

"Hi Ate Adriana. How's your life?" Masayang salubong ni Yuri.

"I'm fine, thank you."

This is my fourth life kaya para saan pa 'yung pagmomokmok ko sa apat na sulok ng kwarto ni Maxine. Unang life ko, when I was born. Second life ko ay noong naaksidente kami ni Mama, and yes I'm survived. Third, ay sa dating faculty at ngayon fourth ay naka ligtas ako doon sa lalaking manyakis.

"Are you sure you're okay? Puwede ka namang magpahinga pa Ate." At yumakap si Yuri sa braso ko dahilan para gumaan ang pakiramdam ko.

"I'm completely fine. May kunting pain pero kaya pang tiisin."

"May tsismis na break na raw kayo ni Kuya Dominic. It's that true, Ate?" Napaka kyut sana ng batang ito kaso madaldal din gaya nina Maxine at Ava.

"Kalat na ba? Bakit 'di ako updated." Biro ko para hampasin ako ni Yuri. "Ate naman, I know you hurt. Ramdam ko sa kilos mo."

"Dominic and I haven't been able to talk yet. Pero handa na akong makipagbreak sa kanya." At ngumiti ako kahit napipilitan lang.

"Makikipagbreak ka ba sa kanya dahil lang sa picture? Ate naman, be matured enough."

"It is not about the pictures, Yuri. If you want to know everything ay magtanong ka kay Ate Maxine mo o kay Ava." Nagulat ako nang yakapin ako ni Yuri na para bang naiiyak sa sinabi ko.

"But think carefully Ate Adriana baka nabibigla ka lang sa desisyon mo. I know na mahal ka ni Kuya Dominic at mahal mo siya. Pero kapag gusto mo talagang makipagbreak sa kanya ay ginagalang ko ang iyong desisyon. Basta tandaan mo na nandito lang ako para i-cheer at suportahan ka." Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa kanya. She's so cute and sweet.

Habang paakyat na ako ng hagdan ay may malakas na sampal ang sumalubong sa akin.

"B-Bakit mo ako sinampal?"

"Tama lang iyan sa'yo dahil sa katangahan mo." Mukhang hindi nakuntento si Abigail kaya sinampal pa niya ako sa kabilang pisngi.

"Ikaw ang ubod na tanga na nakilala ko. Nakakaawa ka, Adriana." Ang kapal ng mukha niya para sabihan akong tanga. Eh tanga rin naman ito dahil pilit niyang mahalin ang mga taong hindi siya kayang mahalin.

"Nakakabobo ka na, Abigail. Alam naman natin na ikaw ang mas tanga umpisa pa lang." Sinampal ko rin siya para makabawi sa ginawa nito.

"Ouch! Bakit masakit?" Reklamo niya at galit na tumingin sa akin.

"I'm leaving! Masasayang lang laway ko sa'yo." Aktong paalis na ako nang hilahin niya ang blouse ko paharap sa kanya.

"Bakit ka makikipagbreak kay Dominic? Natatakot ka ba na ako ang karibal mo?"

"I'm not afraid of you, Abigail. Alam kong mahina ako pero mas mahina ka." Tinanggal ko 'yung kamay niya sa blouse ko dahil nahihirapan na ako makahinga. "Isa pa, you don't care kung ano ang gusto kong gawin. Maging masaya ka na lang dahil hindi na ako ang karibal mo."

"Napakatanga mo lang dahil pinatalo mo 'yung laban na dapat tayo lang ang naglalaban. Mas gusto pa kitang karibal kesa kay Eunice dahil gusto kong iparanas sa'yo na isa ka rin talunan." Sigaw ni Abigail habang matindi ang galit sa akin.

I knew how she feels. Mahirap magmahal ng taong hindi tayo mahal. Tulad kay Kristoff, umasa siya na mamahalin siya nito pero napunta lang sa akin na walang kahirap hirap. Bakit ba 'yung mga taong nakakarelasyon ko ay nga nagugustuhan niya dahilan para mas lalong magalit sa akin.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon