TMAFK#31

20K 434 28
                                    

Adriana's pov.

"You look stunning in that dress." Chat ni Dominic matapos kong i-send sa kanya ang mga pictures ko na naka suot ng black dress.

"Of course regalo mo sa akin."

I wore a black dress and put make up on my face. Naka flat shoes lang ako dahil nawawala 'yung heels na regalo ni Mr. Sy Yabang simula noong napunta ako sa police station dahil sa nangyaring paghabol ng rapist sa akin.

"Asan ka na Dominic?"

Sa condo na niya ako natutulog simula noong umuwi kami sa camp. Until now we don't have a proper relationship. I'm still single at wala yatang balak manligaw ang mokong na 'yon.

"Bakit you missed me?"

Two days na siyang walang time sa akin. Sabado kahapon, but he chose to play basketball with his friends. Ngayon naman wala ulit siya sa condo dahil may appointment siya kay Attorney Franquia regarding to his childhood best friend case.

"No way! Wala ka bang balak umuwi?"

Nagseselos ako pero wala namang karapatan. We live under the same roof pero wala pang ugnayan. Hanggang MU na lang ba kami? I want him to be mine.

"Later pa babe. I'm busy."

May callsign pero wala namang label.

"Tapos na ba ang appointment mo?"

Ni-lock ko na muna ang pinto ng condo bago basahin ang reply ni Dominic. May plano rin kaming gumimik ng mga kaibigan ko kaya pinilit nila akong magsuot ng dress.

"Opo!"

"Tapos ka na pala. Eh asan ka?" I wanted to act as his girlfriend kaso wala pa namang namamagitan sa amin.

"Restaurant"

"With?"

Alam kong naiiyamot na 'yung dalawa kong kaibigan na nag-iintay sa akin sa baba. Hindi lang kasi ako mapanatag na wala si Mr. Sy Yabang.

"Friend of mine."

"Sinong friend?" Hindi ko talaga siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi sa akin ang totoo.

"Abigail"

Hindi ko na siya nireplyan dahil nawalan na ako ng mood. Sa dami ng babaeng nagkalat sa daan bakit si Abigail pa na kaaway ko.

"Bakit 'di ka na nagreply?" Tanong ni Dominic mula sa kabilang linya. Wala sana akong balak sagutin ang tawag niya kaso marupok ako.

"Busy! Paalis ako."

"Where are you going?"

"On a date."

Halos hindi na niya ako nabibigyan ng time dahil busy sa mga kaibigan nito. Pero kapag ako naman, ayaw payagan. Unfair!

"Sino? Si Kristoff or si Maxwel?" Sunod sunong nitong tanong sa akin.

"None of your concern."

"You're not allowed to go on a date." Pagbabawal niya.

"Bakit boyfriend na ba kita, diba hindi pa? Sige na, see you tomorrow."

"Hindi pa, but I'm your future husband. Please take care of yourself, I love you."

In-end call ko na 'yung tawag dahil nagulat ako sa mga nakita ko sa loob ng elevator. Punong puno ng emoji sticker ang buong elevator na hindi ko naman alam kung saan ito galing at para saan.

Naalala ko ang araw na ginawang pader ni Mr. Sy Yabang ang noo ko para idikit ang iba't ibang emoticon

"I really missed you, babe."

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon