TMAFK#35

20K 437 56
                                    

Adriana's pov.

"Adriana, are you okay? Pumunta na kaya tayo sa Doctor." Suggest ni Ava habang nag-aalala sa akin.

"Look at your face laging namumutla."

"Don't worry about me. Stress lang 'yan." Paliwanag ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

Nandito ako sa bahay para maglinis dahil malapit nang umuwi si Kuya Alex sa Pilipinas. Wala rin ako kasama sa condo dahil busy ang boyfriend ko sa paghahanap sa nawawalang Ana.

"Kung iisipin mo lang iyang mga panaginip mo ay maii-stress ka talaga, Adriana."

Ilang araw na akong walang maayos na tulog because of my nightmare. Madalas may ahas akong nakikita sa panaginip ko tuwing nag-aaway kami ni Dominic.

"Ay naku! Hindi totoo ang mga panaginip. I-relax mo na lang kaya ang iyong sarili." Nag-aalalang sambit ni Maxine habang nagpipipindot ng kung ano anong filter sa messenger.

"Pakiramdam ko may magtatraydor sa akin or may aagaw sa boyfriend ko." Namomoblema kong sambit sa mga kaibigan ko. Ilang araw na rin akong natatakot at nangangamba sa aming relasyon. Lalo na't madalas na wala si Dominic nang dahil kay Ana.

"Tanga! Sino namang magtatraydor sa'yo? Eh solid best friend tayo." Ani ni Ava habang tinuturo ang bawat isa.

"At sino naman aagaw sa boyfriend mo, aber?"

Malakas ang pakiramdam ko na may hindi magandang mangyayari sa amin kapag dumating ang childhood best friend ng boyfriend ko.

"Yung first love ni Dominic. Nabalitaan kong positive na buhay si Ana Monreal at ngayon hinahanap na ito ni Dominic." Kwento ko sa kanila.

"Natatakot ka na baka 'di ka na mapansin ni Mr Monreal 'pag natagpuan na ang kanyang anak? O natatakot ka na baka iwan ka ng taong mahal mo nang dahil lang sa kanyang best friend?"

"Pareho Ava."

"Dapat ka lang mangamba dahil naging first love iyon ni Dominic. May kasabihan ngang first love never dies." Panakot ni Maxine habang naka cross arm.

"I'm afraid of getting hurt again. Sobrang sakit ang masaktan." Ayaw kong maulit ang sakit na naramdaman ko noon. Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin.

"May tiwala ka ba kay Dominic?"

"Oo, may tiwala ako sa boyfriend ko." I trusted him so much at alam ko na hindi niya ako ipagpapalit kahit na kanino pero bakit nangangamba ako tuwing naririnig ko ang pangalan ni Ana.

"Iyon naman pala eh."

"Just trust your boyfriend at alam namin na mahal na mahal ka niya." Pangongomfort nila para mapangiti ako.

"Thank you talaga." Pasasalamat ko habang hinawakan ang mga mukha nila sa screen.

"Take care of yourself. See you on monday." Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa dahil may gagawin pa ako dito sa bahay.

Magwawalis na sana ako nang marinig ko ang sunod sunod na ingay ng door bell.

"Hi Adriana, missed me?" Nagulat ako when I saw my childhood best friend named Belle.

Belle is not Kristoffer's girlfriend. Kasing pangalan lang niya 'yung pinagpalit ng ex ko sa akin. She is Anabelle known as Belle. Siya 'yung bestfriend ko simula nang mawalan ako ng alaala.

"Belle!" Hindi ko makapaniwalang tawag sa pangalan niya. Seven years na kaming 'di nagkita simula nang lumipat kami ng ibang bahay.

"Adriana, I missed you." Agad niya akong niyakap habang tuwang tuwa na makita ako. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil tuwing wala si Kuya Alex ay lagi niya akong sinasamahan.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon