TMAFK#10

26.3K 522 43
                                    

Adriana's pov.

Ngayon ang unang araw ng SEU Foundation Week with a theme "Freedom to Love." Malaya nga ang magmahal pero masakit kapag hindi minahal.

"I still love him, but I'm tired." Pagdadrama ni Ava habang pinaglalaruan ang mga idedekorasyon sa classroom.

"According to Ma'am Alexandrea, kung gusto mo talaga siya 'wag kang sumuko. Pero kung napapagod ka matuto kang huminto." Sambit ni Maxine nang maalala ang payo ng adviser namin.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko. I loved him pero parang naka move on na ako. Naiintindihan niyo ba ako?"

"Tanggap mo na wala na talaga kayo dahil five months lang naman tinagal niyo." Paliwang ko at binato ito ng kartolina. Paano naman ako na two years relationship kay Kristoff? Mas masakit at hindi makalimot.

"O baka naman na fall in love ka na kay Albert?" Pang-aasar ni Maxine dahilan para ikagulat ni Ava.

"Baliw! We're just friends."

"Baka naman magkai-bigan." Panloloko ko dahilan para mapatawa kami ni Maxine.

"Maria, Leonora, Theressa, halika nga kayo." Tawag ng aming Vice President nang mapansin na wala kaming ginagawa.

"Mukha ba kaming doll?" Reklamo ni Maxine nang tawagin kami sa pangalan ng tatlong batang namatay sa teleserye.

"Oo Maxine! Ikaw na si chucky doll." Dahil sa malakas ba pagkasabi ni Rex ay nagtawanan ang buong klase.

"Sige, ako ang papatay sayo." Hinabol ito ni Maxine at pinaghahampas ng kartolina.

"Anong maiitulong namin?" Tanong ni Ava sa aming classroom president habang busy sa paggagayak.

Ang booth namin ay Coffe shop dahil iyan ang nabunot ni Ma'am Alexandrea para sa section namin.

"Yung mga tela ay gagawin natin kurtena sa bintana." Utos nito habang tinuturo ang iba't ibang kulay ng tela.

"Kami na bahala Kaye Ann. Girls scout kaya kami." Proud na sambit ni Maxine. Kinuha namin ang makabilang dulo ng tela upang ikabit sa bintana ngunit 'di namin abot ang pagtatalian nito.

"Ava, hawakan mo muna itong tela." Utos ko at kinuha ang ladder. Ako na ang umakyat dahil mas matangkad ako sa dalawa.

"Be careful baka mahulog ka." Pag-aalala ng mga kaklase ko.

"Hindi 'yan. Year of the monkey ako." Biro ko para magtawanan ang lahat. Ligtas akong naka akyat sa pinakataas na hagdan at maingat na tinali ang tela sa bintana.

"I love you Kristoff"

"I love you too, Bell."

My greatest weaknesses in life ay ang makitang magkasama ang taong mahal ko at ang babaeng pinagpalit sa'kin. And worst of all, kitang kita ko ang paglalandian nila. Nagulat ako nang lumingon sila sa akin dahilan para mawala sa isip ko ang pagkapit sa ladder.

"ADRIANAAAA--"

Masakit ngang mahulog sa sahig pero mas masakit mahulog sa isang taong nagawa ka ngang sambutin pero nagawa ka rin bitawan.

"You're safe in my arms."

Dominic was always there to save and protect me. He is a multipurpose man. Handang maging fake boyfriend at handang maging super hero ko kahit sa mayabang na paraan.

Dahil sa takot ay napayakap ako. "Safe ka na. Nandito na ako." Bulong ni Dominic at binaba na ako.

"Next time, mag-ingat ka. Paano kung wala ako sa tabi mo? Sinong magliligtas sa kakulitan mo?" 'Yung itsura ni Dominic ay parang pinagmix na inis at pag-aalala.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon