TMAFK#18

26.9K 595 62
                                    

Dominic's pov.

"Have you seen my girlfriend?" Tanong ko sa guard habang alituat sa paghahanap kay Adriana.

She's driving me crazy. Lagi niya akong pinapakaba tuwing nawawala ito. I thought she was sleeping iyon pala ay tumakas habang naliligo ako.

"Patungo po sa Amusement park."

Mabilis kong tinungo ang Amusement park habang nag-aalala sa kanya. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay si Adriana lang ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko sa pag-aalala.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita ko si Adriana na may hawak na bote beer sa isang tindahan.

"Another bottle of alcohol please." Sigaw niya dahilan para mapalingon ang lahat ng custumer ng Oto's store.

Pagkatapos niya kong pag-aalalahanin, madadatnan ko lang pa lang nag-iinom.

"You're just here. Pinag-alala mo ako." Halatang nagulat ito nang makita ako.

"S-Sino ka?"

"I'm your husband," pakilala ko dahilan para tumawa ito.

"Adriana, can you stop drinking. At kailan ka pa natutong uminom, huh?" Halatang lasing na ito dahil naka ubos na ito ng dalawang bottle ng beer.

"H-Hindi po ako lasing hukk."

"H20 lang ito, you want?"

Ibang klase ka talaga. Ikaw lang ang nagparanas sa akin ng ganito pero bakit sobra akong mag-alala sa'yo.

"Tumayo ka na d'yan."

"Ayaw ko!"

"Uwi na tayo. Lasing ka na." Pinapatayo ko na siya ngunit nagpupumiglas ito.

"Iinom ako hangga't gusto. I-I'm not drunk, I'm just tipsy." At tinungga na niya ang pangatlong bote ng beer.

"Lasing ka na. Hindi mo na alam ginagawa mo." Kinuha ko 'yung alak ngunit nakipag-agawan ito.

"Please, payagan muna ako. I want to move on." Pagmamaka awa niya.

"Okay, last na 'yan."

"Opo! Bait talaga ng boyfriend ko." Nagulat ako nang bigla niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ko.

"Gwapo pa," dagdag ni Adriana at pinisil ang pisngi ko. Ilang inches na lang ay mahahalikan na niya ako.

"Thousands of women like you. Bakit 'di mo makalimutan si Eunice?" At nagpacute pa ito harap ko dahilan para mapangiti ako.

"I"

"I?" Tanong ko nang ma-curious ako sa sinabi niya.

"Love"

"Love, who?" Hindi ko mapigalang hindi ma-excite sa sasabihin niya.

"You!"

"Me?" Tanong ko habang nanlalaki ang mga mata. What the hell is she saying? In love na ba talaga siya sa'kin?

"Kristoffer!"

"Tsk! I love you Kristoffer. Utot mo! Hindi ka na mahal ng gagong 'yon." Bakit ba si Kristoff ang bukang bibig mo, e ako naman itong laging nasa tabi mo.

"Manang magkano?" Lumapit ako sa tindera para bayaran ang mga ginastos ni Adriana.

"Six hundred Sir."

"Keep the change na rin. Bayad sa kaingayan ng girlfriend ko." Binigyan ko ang tindera ng 5000 bayad sa inunim at kahihiyang ginawa ni Adriana.

After magpasalamat ng tindera ay bumalik na ako sa table para iuwi si Ms. Chubby ngunit nadatnan ko itong wala.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon