TMAFK#44

18.1K 440 33
                                    

Adriana's pov.

"Malandi!"

"The slut is here." Nagulat ako nang marinig ko ang masakit na salita mula sa bibig ng aming presidente na si Kaye Ann. Kararating ko lang sa room kasama si Kristoff nang madatnan ko ang masasamang tingin ng mga kaklase ko.

"Anong problema?" Kinakabahan kong tanong habang nasasaktan sa masasakit na salita na binibitawan ng aking mga kaklase.

"Akala mo kung sinong malinis 'te. E grabe naman pala kalandi."

"Pakitang tao ka pala gurl. Akala namin ikaw 'yung mas nasaktan pero hindi namin alam na mas nasasaktan pala si Dominic dahil sa kalandian mong ginawa." Nasaktan ako sa mga sinabi ni Kaye Ann at Rex habang nasa harap ko sila. Bakit ganito sila sa akin? Wala naman akong ginawang mali sa kanila.

"A-Anong sinasabi niyo? Bakit ganyan kayo makapagsalita sa akin?" Maiyak iyak kong tanong habang pinagmamasdan ang mga kaklase kong pinagbubulungan ako.

"Hindi mo kasi alam 'yung news dahil busy sa pakikipaglandian sa iba." Sigaw ng Kaye Ann.

"Hindi ko kayo maintindihan. Ano bang nangyayari?"

"Best in actress ka rin naman pala Adriana. Itatanggi mo pa e sikat ka na." Nasaktan ako nang ibato nila sa aking mukha ang mga hawak nilang litrato.

"Guys stop it!" Sigaw ni Kristoffer at humarang sa harapan ko para pigilan ang mga kaklase ko. Nanlambot ang tuhod ko when I saw those pictures na pinambato nila sa akin. Litrato namin ni Maxwel na magkayakap at noong hinalikan niya ako.

"Paano?" Hindi ko alam kung bakit nila nakuhanan ang mga pictures na ito. Dalawa lang kami noong panahong iyon.

"Oh diba! Ibang klase ka ring babae ka. Nakikipag halikan ka habang kayo pa ni Dominic." Sumbat ni Rex dahilan para tuluyan nang mahulog ang mga luha ko.

"Huwag na huwag mo kaming madadaan sa luha mo Adriana. Manloloko ka!" Galit na sambit ni Amber dahil isa rin ito sa mga fans ng boyfriend ko.

Hindi sa lahat ng oras kakampihan ka ng lahat. Sa una ka lang susuportahan pero sa bandang huli ay iiwan ka rin na para bang walang pinagsamahan.

"Three timer!"

"Slut!" Sigaw ng mga kaklase ko habang patuloy pa rin ang pagbato ng kung ano mang mahawakan nila.

"Adriana, okay ka lang?" Sa wakas dumating na rin ang mga kaibigan ko na galing sa canteen.

"Hindi!" Paano ako magiging okay kung ganito ang kinikilos ng mga taong pinagkatiwalaan mo. Para saan pa ang pagiging classmate namin kung hindi sila marunong makinig sa totoong nangyari.

"Napakasama niyoooo!" Sigaw ni Ava at sinugod na ang iba kong kaklase.

Dito sa mundo, toxic talaga ang tao. May kasama ka lang lalaki at may kayakap ka lang na kaibigan ay malandi na ang tingin sa'yo.

At isa sa napatunayan ko na kahit anong dami ng pinagsamahan niyo kaya ka pa rin nilang talikuran sa bandang huli. Starting today, I will never trust again.

"Tama na!" Lahat ay nanahimik nang dumating si Dominic habang galit na galit. Sa dami ng kilala ko, ang boyfriend ko lang ang kinakatakutan ko. Iba siya magalit dahil masasakit na salita ang binibitawan nito.

"Dominic!" Lumapit ako sa kanya ngunit iniwasan lang niya ako. Huli na, he knows everything kaya galit na galit ito sa akin.

"Three timer!" Lubos akong nasaktan nang mismong boyfriend ko ang nagsabi nito. Pati ba naman siya maniniwala sa iba.

"Babee!"

"Don't call me babe." Sigaw ni Dominic at inihagis ang kanyang cellphone sa harap ko para makita ang litrato namin ni Maxwel na magkayakap. Ganon din ang litrato namin ni Kristoff na
magkasama.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon