TMAFK#34

20.9K 445 31
                                    

Adriana's pov.

"Dahil pareho tayo ng pangalan. You can call me Ate Ana tapos I will call you baby Ana." Mungkahi ng matangkad na batang babae sa kanyang kaibigan.

"Ate Ana, may crush na ako." Pagmamaigi ng maliit na bata habang kinikilig.

"Me too! Alam mo ba ang gwapo niya. We look good together. Sino bang crush mo, baby Ana?"

"Si Nic, 'yung best friend ko. Secret lang natin ah." Masayang kuwento ni baby Ana para magulat ang kanyang kaibigan.

"No, crush ko rin iyon. Mas una pa akong nagka crush sa kanya kesa sa'yo kaya magtigil ka." Seryosong saad ni Ate Ana na ikanalungkot ng kanyang kaibigan.

"Crush lang naman, Ate Ana. Wala naman masama doon."

"Tandaan mo ito baby Ana. He's mine, only mine!"

****

"Babe, wake up!"

"Nanaginip ka na naman." Tuluyan ko nang binuksan ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko. Bakas pa rin sa aking mukha ang lungkot at takot sa panaginip na hindi ko naman maintindihan.

"Dominic...."

I saw two little girls in my dream. Masyadong maliwanag kaya hindi ko mamukhaan ang mga ito. Matangkad 'yung isa at maliit naman ang isa. They look like best friend. Sh*t! I can't remember talaga.

"Madalas kang managinip pero hindi mo sa akin masabi dahil nalilimutan mo." Nag-aalalang sambit ng boyfriend ko habang tinatapik ang aking likuran.

"I can't remember anything. Tanging mga bata lang sa panaginip ang naaalala ko."

"Babe, relax. Baka napapanaginipan mo lang 'yung magiging future kids natin." Biro ng boyfriend ko para mapangiti ako.

Ilan beses ko nang sinasabi na swerte ako sa boyfriend ko. He was always being there for me kahit namomoblema ako. Lagi niya akong pinapatawa kahit hindi nakakatawa.

But I'm serious. May iba akong nararamdaman sa panaginip ko. Para bang hindi dapat ako maging mapanatag.

"Hindi. Iba talaga ang kutob ko." Kahit hindi ko matandaan ang panaginip ko ay para bang konektado iyon sa mga alaala ko noon.

Who am I really?

"Adriana, hindi lahat ng panaginip ay nagkakatotoo. Don't be afraid. Nandito lang naman ako sa tabi mo." At niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ako nagsasawang yakapin ito dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa lahat ng oras.

"Thank you, babe." Hindi ko pa nasasabi kay Dominic na may amnesia ako. Wala naman mawawala kung hindi ko sasabihin ang totoo sa kanya.

"Hello, tito Isaac." Sagot ko mula sa kabilang linya. Madalas ko itong makausap simula nang ipakilala ako ni Yuri sa kanyang daddy.

"Hello Iha!" Medyo close na rin kami ni Tito Isaac dahil madalas ko siyang makabonding kapag pumupunta kami sa kanila.

I am always welcome in their house at ang mas nakakatawa pa ay gusto niya akong ampunin para raw may kasama si Yuri. I really don't know why I am comfortable with him. Siguro, he's so kind and sweet.

"Good morning po tito. Bakit napa tawag po kayo?"

"I just want to invite you to eat here at my house. Puwede mong isama si Dominic." Napangiti ako sa sinabi ni Mr. Monreal. Ilang weeks na akong 'di na kakabisita sa kanya, I missed him so much. Lalong lalo na si Yuri.

"Tito Isaac, ano pong okasyon?"

"Nagpadasal kami ni Yuri for her Mom. You know naman november." Nakuha ko agad ang gustong iparating ni Mr. Monreal. November ngayon kaya araw ng mga patay.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon