Chapter 52

137K 2.3K 188
                                    

Chapter 52

Inabutan ni Divina na tahimik na nakaupo si Eliza sa terrace. "Eliza" tawag niya rito.

Mabilis na napalingon si Eliza. "Anong kailangan mo? Kung naparito kayo para insultuhin ang anak ko, makakaalis na kayo." pagalit na asik niya kay Divina.

Inaasahan na ni Divina ang ganitong reaksiyon nito, inaamin naman niyang siya ang may kasalanan dahil pinaniwalaan niya ang mga kasinungalingan ni Joan. Pagkatapos ng pakikipag-ayos nila sa mga Ignacio ay ang babaeng yun naman ang haharapin niya.

Lumapit si Divina sa kinauupuan ni Eliza at umupo siya sa tapat nito. "I'm sorry, alam kong ako ang may pagkakamali. Tatanggapin ko rin kung ano mang salitang gusto mong sabihin sa akin." pagpapakumbaba ni Divina dito.

Nanatiling tahimik si Eliza, hindi niya rin akalain na ang isang Divina Almonte na isa sa mga kilalang tao sa Pilipinas ay nandito ngayon sa kanyang harapan at humihingi ng kapatawaran.

"Eliza, please talk to me. Alang-alang sa mga anak natin, naaawa na rin ako kay Dennis dahil mahal na mahal niya si Emer." sabay hawak nito sa kamay ni Eliza na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Kung hindi lang dahil sa magiging apo natin baka kanina ko pa kayo pinaalis sa teritoryo namin." nakairap na sabi ni Eliza pero hindi na mababakas ang galit sa tinig nito.

Natutop ni Divina ang bibig halos hindi makapagsalita sa narinig na magandang balita. "I-ibig mong sabihin m-magiging lola na tayo?" hindi makapaniwalang bulalas nito.

Tumango si Eliza at nginitian na niya ang kaharap. "Yes, pero sensitive ang kalagayan ng bata. Kaya iniingatan namin ang mga bagay na makapagbibigay ng stress kay Emer." 

"Alam niya ba ang tungkol sa nangyari sa atin?" nag-aalala si Divina na baka galit din sa kanya ang manugang. 

"Hindi na namin pinarating sa kanya, at sana kung anuman ang hindi magandang namagitan sa atin pinapakiusap ko na sa atin na lamang yun." turan ni Eliza.

"Makakaasa ka. Ang ibig bang sabihin ay pinapatawad mo na ako?" nag-aalangang tanong ni Divina.

"Hindi kita kakausapin ngayon kung galit pa rin ako sa iyo." nakangiti na si Eliza.

Natuwa si Divina, hindi niya akalain na napakadaling kausap ng mag-asawang Ignacio. Hinangaan niya ang ugali ng mga ito. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon