Chapter 30 part 1

138K 1.5K 42
                                    

Chapter 30 part 1

"Mama of course I'm happy to see you." inihilig pa ni Emer ang ulo sa balikat ng ina.

"If you're happy to see me, bakit malungkot ka pa rin? may problema ba hija?" nag-aalala si Eliza sa nakikitang kalungkutan ng anak. Nasanay sya na palaban ang kanyang bunso kaya nga hindi na sya nagtaka ng sumuway ito sa kagustuhan nila.

Umiling lang si Emer at pilit na pinasigla ang boses ng magsalitang muli. "Anong oras pala kayo dumating?" 

"Kaninang umaga pa ako dito. Ang sabi ni Salud kakaalis mo lang daw ng dumating ako at kanina pa rin ako naghihintay akala ko makakasabay kita sa dinner." medyo malungkot ang boses ni Eliza.

"Mama sana nagpasabi ka na darating kayo ni Papa, para hindi na ako nagreport sa office kanina." Ngayon narealize ni Emer na miss niya ang mga magulang.

"Hindi ko kasama ang Papa mo at hindi niya rin alam na pupuntahan kita ang sabi ko sa kanya may bibisitahin akong kaibigan." 

Nagtaka si Emer dahil hindi siya sanay na hindi magkasama sa lakad ang mga magulang. Ngayon lang nangyari ito sa kanila. 

"Mabuti pinyagan ka ng Papa?" hindi pa rin makapaniwala si Emer. 

"Nasa Canada sya, bibisitahin daw niya ang ate Emily mo kaya don't be surprised kung isang araw madatnan mo rin ang Papa mo dito." maluwag ang pagkakangiti ni Eliza sa anak.

"Akala ko nag-away kayo ng Papa at naglayas ka rin." biro ni Emer sa ina. 

"Anak, hindi mangyayari yun, you're father loves me so much." 

Biglang nalungkot na naman si Emer ng marinig ang sinabi ng kanyang Mama, naalala niya ang sitwasyon nila ni Dennis. Naiinggit siya sa kanyang Mama dahil mahal na mahal ito ng kanyang Papa.

"Emer, hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko?" pinanlakihan ng mga mata ni Eliza ang anak.

"huh?" nagtatakang baling ni Emer sa ina.

"I was asking kung sino ba yung lalaking yun? at narinig ko na nagsisigawan kayo." curious si Eliza sa bisita ng anak kanina.

"Mama, he's Dennis Almonte." maingat na sabi ni Emer. Hindi pa sya handang sabihin sa kanyang Mama ang mga  gumugulo sa kanyang isipan. Natatakot din sya na baka lalong lumala ang problema.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon