Chapter 46 part 2

104K 1.7K 55
                                    

Chapter 46 part 2

"Mama, she's not answering her phone." sabay baba ni Emily sa telepono. 

"Is it ringing?" umiiling na tanong ni Eliza. 

"Yeah, maybe she's driving or might be busy. Don't worry I'll send her a message." 

Tinanguan ni Eliza ang anak, hinihintay na lamang niyang makarinig ng sigaw mula sa asawa. 

Samantalang sa teresa naman ay kasalukuyang nag-uusap si Gerardo at Dennis. 

"Hindi ba alam ni Emerald na pupunta ka dito?" seryosong tanong ni Gerardo

"Actually, kayo po ang gusto kong makausap. Mas mainam na wala dito si Emer." ang nasa isip ni Dennis ay ito na ang tamang pagkakataon para maituwid nila ang maling nasimulan. 

"Mr. Almonte, may relasyon ba kayo ng anak ko?" wala ng paligoy ligoy na tanong ni Gerardo. Nararamdaman niya rin ang tensiyon na namamagitan sa kanila.

Hindi inaasahan ni Dennis na ganun ka prangka ang kanyang kausap. "Yes, and we got married a few months ago." walang gatol na tugon ni Dennis. 

"Kalokohan ito! hindi na ninyo ako nirespeto!" galit na galit na sabi ni Gerardo. Nang unang araw na nagbalik si Emer sa rancho ay naramdaman na nito na may problema ang anak at hindi niya sinasadyang marinig ang usapan ng kanyang mag-ina. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang tungkol dito pero ngayong mula mismo sa bibig ni Dennis nanggaling ang kompirmasyon ay hindi niya maiwasan na ibuhos ang nadaramang galit mula sa unang araw na nalaman niya.

"Kaya po nandito ako ngayon para itama ang lahat." pagpapakumbaba ni Dennis.

"No! hindi kita gusto para sa anak ko. Alam ko ang mga kalokohan mo pagdating sa pakikipagrelasyon. Sasaktan mo lamang ang anak ko. At kung maayos ang relasyon ninyo, bakit nandito sa amin si Emer? Hindi ba dapat magkasama kayo?" sabay pukpok nito sa mesang nasa harap. 

"Sir, I love your daughter. I can prove it." pakiusap ni Dennis.

Narinig ni Eliza ang komosyong nangyayari sa teresa kaya dali dali siyang lumabas para tingnan kung ano ang nangyari. Nadatnan niyang pulang pula sa galit ang asawa. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon