Chapter 32 part 2

133K 1.5K 66
                                    

Chapter 32 part 2

Napaismid si Dennis ng marinig ang sinabi ni Eliza. Walang sino man ang pwedeng dumikta sa kanya kung ano ang gusto niyang mangyari, sa ngayon ang plano niya ay ang turuan ng leksiyon si Emer at ipakita rito na hindi basta basta ang kinalaban niya.

"Bakit bigla kang tumahimik Mr. Almonte? Kung naguguluhan ka sa desisyon ninyong pagpapakasal huwag nyo ng ituloy, may magiging masaya pa ako." seryosong sabi ni Divina habang pinag-aaralan kung ano ang magiging reaksiyon ng kaharap.

"We're very much sure with our decision hindi na magbabago." walang ngiting tugon ni Dennis.

Nagkibit balikat na lamang si Eliza ng makarinig sila ng katok. 

"What is it Lisa?" nakakunot ang noo ni Dennis ddahil alam naman nitong may bisita pa sya kaya hindi siya dapat istorbohin nito.

"Sorry sir, but you have..." hindi pa natatapos ni Lisa ang sasabihin ng tabigin siya ni Michelle at dire-diretsong pumasok sa opisina ni Dennis.

"Hi, sweetie!" nangunyapit ito sa leeg ni Dennis at hinalikan sa labi. 

Nanlalaki ang mga mata ni Eliza habang pinapanood ang eksena. Samantalang si Emer naman ay nagulat ng makita ang ina sa loob ng opisina ni Dennis. 

Nang maramdaman ni Dennis ang mga labi ni Michelle ay agad niyang itinulak ito. 

"Ano ang ibig sabihin nito?!" galit na sita ni Eliza kay Dennis.

Napasapo sa noo si Emer ng marinig ang galit na tinig ng ina, mabait ito pero kapag nagalit naman ay walang kinatatakutan. 

"Mama, I'll explain it to you." si Emer na ang sumagot sa ina. Nilapitan niya ito at inakbayan habang tinapunan ng matalim na tingin si Dennis. 

"Michelle, can you please leave us. We have to discuss some important matters." walang kangiti ngiting utos ni Dennis sa babae. 

"Bakit ako ang pinapaalis mo? at bakit nandito ang babaeng yan?" sabay baling nito kay Emer. 

"I have the right to be here beacuse sooner or later I'll be part of this family corporation." nang-uuyam na sagot ni Emer. Kung noong una silang magkita ay nakapagpigil siya this she'll not allow this woman to humiliate her. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon