Chapter 50 part 1

105K 1.6K 161
                                    

Chapter 50 part 1

Nagmamadali si Divina sa pagsunod sa asawa, nagtuloy ito sa master's bedroom.

"Bakit sa akin ka nagagalit? palalampasin mo ba ang ginawa ni Emer?" inis na tanong ni Divina sa asawa.

"You're creating another problem." umiiling na sabi ni Francis sabay upo sa couch na nasa corner. 

"A-ako?" hindi makapaniwala na sabi ni Divina sabay turo sa sarili.

"Agad kang naniwala kay Joan hindi mo man lang pakinggan kung ano ang sasabihin ni Emer at ng anak mo tungkol dito. Ikaw na ang gumagawa ng decisions para sa kanila. Ang gusto mo bang mangyari ay magkabalikan sina Joan at Dennis?"  wala ng paligoy ligoy na sabi ni Francis.

"Of course not. I don't like her for our son, pagkatapos ng ginawa niya. Ang gusto ko ay maghanap ng matinong babae si Dennis." 

"I just want to remind you this, nandito tayo as a parent to guide and support our children not to manipulate their lives." pilit na pagpapaunawa ni Francis.

"Alam mo naman na galit ako sa mga impostor, sa mga mukhang pera." ayaw pa rin magpatalo ni Divina.

"Pareho tayo but be reasonable, we should know the real story behind the 20 million before judging her. Baka ikaw ang magsisi in the end." 

"What about the pictures? bakit niya kasama ang lalaking yun?" biglang naalala ni Divina ang tungkol sa mga litrato ni Emer na ipinakita ni Joan. 

"Wala akong makitang masama tungkol sa mga litrato, kung pagmamasdan mong mabuti ay nag-uusap lamang sila dun. Masyado mong hinayaan na lasunin ng Joan na yun ang isip mo." galit pa rin si Francis. "Gusto mong makahanap ng matinong babae ang anak natin?" parang nang-uuyam ang tanong nito.

"As a mother yun ang gusto ko." taas noong sagot nito. 

"Matino ba naman ang anak natin?"  tanong muli ni Francis.

Napanganga si Divina sa narinig buhat sa asawa. Katahimikan ang namagitan sa kanila. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon