Chapter 33 part 1

135K 1.6K 81
                                    

Chapter 33 part 1

Pagtalikod ni Eliza ay agad na hinarap ni Emer si Dennis. 

"Ano na naman ang ginagawa ng babaeng yun dito?" nakapameywang niyang tanong dito.

"Emerald please, I hate arguements this time I have so much things to do." binalikan ni Dennis ang mga trabahong naantala.

Inis na tiningnan na lang ni Emer ang binata dahil parang wala itong planong kausapin siya. Ngayon niya na realized na tama ang kanyang Mama na puro problema lang ang kahaharapin niya sa pagpapakasal kay Dennis.

"I think my mother is right." sabay buntonghininga ni Emer.

"What do you mean?"  sabay tingin ni Dennis kay Emer. Halos hindi maipinta ang mukha ng babae sa inis. 

"Itigil na natin ang kalokohang ito. Don't worry ako ang kakausap sa mga parents mo." sabay talikod ni Emer para hindi makita ni Dennis na nangingilid ang luha niya. 

Napag-isipan ni Emer na hindi niya kayang hindi pakialaman si Dennis lalo na kung ang pag-uusapan ay ang pambababae nito. Habang kaya niya pang pigilan ang nararamdaman ay makakabuting itigil na niya ito. 

Hawak na niya ang door knob ng biglang hinila siya ni Dennis at dahil hindi niya napaghandaan ito ay napasubsob siya sa malapad na dibdib ng binata.  Maagap namang naalalayan siya ni Dennis. 

"Ano ba?!" pilit na kumakalas si Emer sa pagkakayakap ni Dennis.

"Are you jealous?" bulong ni Dennis sa kanya at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap kay Emer. 

Nanlaki ang mga  mata ni Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis. "Of course not! Ayoko lang magpakasal sa womanizer." depensa ni Emer. 

Tumawa si Dennis ng marinig ang sinabi ni Emer. Sinapo niya ang mga pisngi ni Emer para matitigan niyang mabuti ang magandang mukha nito. 

Seryosong syang nagsalita. "Hindi ka pwedeng umatras sa kasal siguro naman ayaw mong makalaban ang isang Almonte. Kaya kong pabagsakin ang negosyo mo." may pagbabanta sa tinig ni Dennis. Kitang kita niya ang takot sa mukha ng dalaga. 

Alam na niya ngayon ang kahinaan ni Emer para mapasunod niya ito sa gusto niya. Tuwing sasabihin ni Emer na ayaw na nitong magpakasal sa kanya ay lagi siyang kinakabahan. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon