Chapter 23 part 1

144K 1.5K 51
                                    

Chapter 23 part 1

"Papa, pinatawag mo daw ako?" bungad ni Dennis ng mapasukan ang kanyang ama sa study room.

"May sinabi sa akin ang Mama mo and I was surprised to hear that." nakangiti ang matandang lalaki.

Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Dennis bago naupo sa tapat ng ama. "I think its about my wedding with Emer right?"

Tumango si Mr. Almonte bago nagsalita. "Ipinakilala mo sa amin si Emer as your fiance kaya we're expecting na pakakasalan mo sya. Bakit ngayon ganyan ang reaksiyon mo?"

Hindi nakakibo si Dennis pagkarinig sa sinabi ng ama.

"Kung ako ang tatanungin mo gusto ko si Emer para sayo, I believe that she's not after with your money." patuloy ni Mr. Almonte.

"I don't think so Papa, hindi pa natin sya lubos na kilala. But don't worr, I will marry her." mabilis na depensa ni Dennis.

"Fix your problem with your mom, nagtatampo yun sayo ipinahiya mo daw sya sa harap ni Emer" utos nito sa anak.

Tumango na lang si Dennis para hindi na sila magkasagutan pang mag-ama.

"Papa who will be assigned sa expansion natin sa Singapore?" pag-iiba ni Dennis sa usapan. Alam nya pagdating sa negosyo ay laging handang makinig ang ama.

"Ikaw sana pero alam kong magiging busy ka."

"I want to be assigned in Singapore because I don't trust our people."

"But how? I know magiging busy after the wedding."

"I'll talk to Emer and I'm sure she'll understand me." pagpupumilit ni Dennis.

"Pag-usapan na lang natin yan after ng wedding nyo. Talk to your mom first para matapos na ang tampuhan nyo." pagtataboy ni Francis sa anak.

Pinuntahan ni Dennis ang kanyang Mama sa kitchen. Abala ito sa pagsusupervise sa mga katulong habang naghahanda ng kanilang tanghalian.

"Hi, Mama." pilit na pinapasigla ni Dennis ang boses.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon