Chapter 11

175K 1.8K 21
                                    

A.N.

Maraming salamat sa time nyo para basahin ang Playful Heart. I am trying my best na makapag update lagi.

Please vote and leave your comments ^ ^

____________________

Chapter 11

Nagkatinginan sina Dennis at Emer halos walang gustong magsalita sa kanilang dalawa.

"Don' t tell me hijo, hindi ka pa napopropose kay Emer?"ang papa ni Dennis ang nagsalita.

"Wala pa kaming plan Papa, gusto muna naming mag enjoy." pagpapaintindi ni Dennis sa mga magulang.

Nakahinga ng maluwag si Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis. She was really shocked whe she heard the plea of Mrs. Almonte. Mabuti na lang si Dennis ang sumagot sa ina.

"Dennis at your age you should thinking to settledown. Paano na lang kung makakita si Emer ng mas matino sayo?" halos pandilatan na ni Divina ang anak.

"Mama, don't worry. Emer loves me so much." kinabig pa nito si Emer at hinalikan sa pisngi.

Halos manigas si Emer sa kanyang kinauupuan ng maramdaman ang pagdampi ng labi ni Dennis sa pisngi nya. Muntik na nyang sikuhin ito buti na lang nakapagpigil sya.

"Hijo, I just want to remind you that I'm sick, anytime pwede na akong mawala. Sana naman makita ko pa ang magiging apo ko sayo." may himig pagmamakaawa ang boses ng ginang.

Habang ang kanyang Papa naman ay sinasang-ayunan ang sinasabi ng asawa.

Kapag ang usapan ay napunta tungkol sa sitwasyon ng kanyang mama ay natatalo si Dennis. Ngayon sya nagsisisi sa pinasukang sitwasyon.

"Mama, pag-uusapan namin ni Emer ito then we will inform you as soon as possible." ang tanging nasabi na lamang ni Dennis.

Napangiti ang mag-asawa ng marinig ang sinabi ng anak.

"I like her hijo. Si Emer na ang gusto naming mapangasawa mo." masuyong nginitian ni Divina si Emer.

Alanganing ngiti na lang ang sinukli ni Emer sa matandang babae. Kung alam lamang nila na nagpapanggap lamang sila ni Dennis ay baka nayon din ay ipagtabuyan sya ng mga ito.

"Ako rin Mama, si Emer na ang gusto kong maging asawa." mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa dalaga.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon