Chapter 42 part 2

121K 1.8K 137
                                    

Chapter 42 part 2

Nagmamadali ang bawat hakbang ni Dennis, gustong gusto na niyang makausap si Emer para maipaliwanag niya ang lahat. Nang makapasok sa master's bedroom ay tumambad sa kanya ang natutulog na asawa, payapang payapa ito sa pagtulog. Hindi niya alam ang gagawin kung gigisingin o hahayaan na lamang muna niya itong magpahinga. 

Ilan buwan niya ring hindi nakita ang asawa at madalang pa niya itong tawagan kaya ngayong nasa harapan niya ito ay mataman niyang pinagmamasdan ito. Hindi pa rin nagbabago si Emer napakaamo pa rin ng mukha nito.  dahan dahang umupo sa gilid ng kama si Dennis at hinaplos ang malambot na pisngi ni Emer.

Nang maramdaman ni Emer na may humawak sa pisngi niya ay dahan dahan niyang idinilat ang mga mata. Laking gulat niya ng mamulatan si Dennis na seryosong nakatitig sa kanya.

Mabilis na umupo si Emer. "Kanina ka pa?" halos magkandautal niyang tanong. Inayos rin niya ang kanyang dress dahil medyo nalilis ang ito at kitang kita ang mapuputi niyang hita. 

"Kadarating ko lang." sabay higa ni Dennis sa tabi ni Emer. Halatang pagod na pagod ito sa biyahe.

Umisod si Emer para mabigyan ng space si Dennis. Napasimangot siya ng maalala ang naging pag-uusap nila ni Joan kagabi. 

"I thought we'll talk." lakas loob na pahayag ni Emer.

"I'm tired, let me rest first." sagot ni Dennis kahit nakapit ang mga mata.

Nanatiling nakaupo si Emer habang nakasimangot itong nakatingin kay Dennis. "I know pagod ka, nasabi nga sa akin ni Joan kagabi." sabay tayo ni Emer.

Nang marinig ni Dennis ang sinabi ni Emer ay mabilis siyang umupo at umiiling na nakatingin kay Emer. "Do you believe her?" malumanay ang boses nito.

Nagtataka si Emer sa ikinikilos ni Dennis. Dati kasi ay panay ang singhal nito sa kanya tuwing mag-uusap sila. 

"Of course, siya ang sumagot sa telepono mo kagabi. I wasn't born yesterday Dennis kaya hwag mo akong gawing tanga." tumaas na ang boses ni Emer dahil hindi na niya mapigilan ang emosyon.

"I know you're not dumb that's why you can fool me. Ano ang ibig sabihin nito?"  sabay tayo ni Dennis at kinuha ang brown envelope na nakaipit sa kanyang maleta. Inihagis niya ang envelope sa ibabaw ng kama ng hindi inaabot ni Emer sa kanya.

Dahil hindi na naka sealed ang envelope ay may nahagip ang paningin ni Emer na litrato. Dinampot niya ito at inilibas ang mga litrato. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon