Chapter 38 part 1

125K 1.5K 125
                                    

Chapter 38 part 1

Masyadong abala si Dennis sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo. Ilang linggo na lamang ay uuwi na siya ng Pilipinas tinawagan na rin siya ng ina at sinabi nitong maganda ang resulta ng kanyang treatment. 

Habang mag-isa siyang kumakain ng agahan sa restaurant ng hotel kung saan siya naka check-in ay naalala niyang tawagan ang asawa para kumustahin. Ilang beses niyang sinubukang tawagan si Emer pero hindi nito sinasagot ang tawag. Gusto sana nitong sabihin sa asawa na sumunod sa Singapore para sabay na lang silang umuwi para makaattend sa kasal ng matalik na kaibigan. 

"Baka naiwanan na naman niya kung saan ang telepono niya. I don't want to call her sa landline baka ang Papa niya ang sumagot." yan ang mga naglalaro sa isipan ni Dennis habang nakatitig sa kanyang cell phone sa ibabaw ng mesa.

Hindi na rin sya nakatiis muli niyang dinampot ang telepono at tinawagan na ang landline ng mga Ignacio. "Bahala na, I need to talk to  her." Sabay buntong hininga niya.

Tamang tama namang palabas si Gerardo mula sa master's bedroom ng marinig niyang nagriring ang telepono sa living room. Dali dali itong bumaba para sagutin ang nag-iingay na aparato. 

"Hello" simula ni Gerardo.

Halos pigilan ni Dennis ang paghinga ng marinig ang boses ng matandang lalaki sa kabilang linya. Matagal na katahimikan ang namagitan at ng magsasalita na sana siya ay muling niyang narinig ang boses ni Gerardo. 

"Who's this? at ano ang kailangan mo?" naiinis na tanong nito.

"Can I talk to Emer?" mabilis na sabi ni Dennis. Natatakot siya na baka ibaba nito ang telepono kung hindi siya magsasalita.

"Who is this?" matigas na ang boses ng matandang lalaki. 

"This is Dennis Almonte and I want to talk to Emer." pakilala niya.

"Ano ang kailangan mo sa anak ko?" biglang kinabahan si Gerardo ng marinig ang pangalan ng nasa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang binata pero hindi pa sila nagkita ng personal.

Nagdalawang isip si Dennis kung sasabihin nito sa Papa ni Emer ang relasyon nila. "I'm one of her clients and I'll just ask the schedule of our meeting." 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon