Chapter 17

157K 1.7K 45
                                    

A.N.

Dahil parami na po ng marami ang readers ng PH kaya pinipilit ko pong makapag UD. 

Thank you so much :)

Chapter 17

 Sa dinner na muling nakasama ni Emer ang pamilya ni Dennis, dumating na rin ang kuya nya at ang pamilya nito. 

"Hi, tita pretty." mabilis syang nilapitan ni Samantha at humalik sa kanya. 

"How are you sweetie?" nakangiti ring hinagkan ni Emer ang pisngi ng bata. 

"I'm fine. Tita, let's play later." excited si Samantha.

"Sorry Sam, but your tita Emer is not feeling well. Just play with your brother." Habang nagsasalita si Dennis ay inaalalalayan nyang makaupo sa tabi nya si Emer.

Tumahimik na lamang si Samantha at bumalik na sa kanyang upuan. At si Emer naman ay hindi alam kung paano nya pakikitunguhan si Dennis dahil sa nangyari kanina sa terrace ng kanyang kwarto.

"Tito, Tita, sorry po hindi ako nakasabay sa inyo sa lunch kanina, medyo napasarap po ang tulog ko." hinging paumanhin ni Emer sa mga magulang ni Dennis.

"That's alright hija, ang mahalaga nakapagpahinga ka." nakangiting tugon ng Papa ni Dennis. 

Emer, nagustuhan mo ba dito sa isla?" nakangiti  si Lena.

"Ate, this place is amazing. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar and I didn't know na may nag eexist palang ganitong kagandang lugar." masayang tugon ni Emer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Emer na nandito sya isang magandang isla kasama ang mga Almonte.

"Sweetheart ang villa pa lang ang nakikita mo, bukas ililibot kita sa buong isla and I'm sure you'll enjoy it." sabi ni Dennis habang pinaglalagyan sya ng pagkain sa kanyang plato.

Napapansin ni Emer na napaka sweet ni Dennis sa kanya tuwing kaharap ang pamilya. Gaya na lang ngayon kulang na lang ay subuan sya nito.

"Emer, after ng dinner natin pwede ba tayong magkwentuhan?" alanganing tanong ni Divina.

"Sure tita, mukhang hindi nga po ako agad makakatulog kasi halos tulog ako sa buong maghapon. Okay lang po ba sa inyo na magstay ng late?" nag-aalalang rin si Emer para sa maselang kalagayan ng ginang. 

Hindi naman mapalagay si Dennis habang nag-uusap si Emer at ang mama nya. Sinabihan na sya ng kanyang mama na kakausapin nito si Emer kaya kinakabahan sya ngayon. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon