Chapter 29 part 2

136K 1.4K 29
                                    

Chapter 29 part 2

Napailing na lang si Francis ng hindi sinagot ng anak ang tanong niya. Nmaalayan na lamang niya na iniwan na sya ni Dennis sa study room. 

"Anong nangyari sa pag-uusap ninyong mag-ama?" agad na tanong ni Divina ng abutan niyang parang malalim ang iniisip ng asawa.

"I am not sure kung mapapabuti ang anak natin sa pagpapakasal niya kay Emer." matapat na sabi ni Francis sa asawa.

"Hindi si Dennis ang inaalala kong masasaktan dito kundi si Emerald. I know that lady loves our son kaya pinagpipilitan kung ipakasal sila." parang biglang namoroblema din si Divina.

"Inihatid ba ni Dennis si Emer?" tanong ni Francis.

Tumango ang matandang babae. "Naguguluhan ako sa mga ikinikilos ng anak mo, may oras na napaka sweet niya kay Emer. Sa tingin ko hindi pa rin sya nakakarecover kay Joan." 

"That was 5 years ago Divina, dapat kinalumutan na niya ang walanghiyang babaeng yun." Mahahalata ang galit sa tinig ni Francis. 

"We can't blame him, si Joan ang first love ng anak mo." 

"At sya rin ang kauna-unahang nanloko sa anak natin kaya naging ganyan sya." Galit na sabi muli ni Francis.

Nanlulumong napaupo si Divina. "Ano ang gagawin natin?" 

"Kausapin mo si Emer at sabihin sa kanya ang lahat." sabi ni Francis.

Sumang-ayon naman si Divina sa sinabi ng asawa. Tama ito dahil baka si Emer ang makapagbabalik sa dating Dennis.  

Samantalang si Dennis at Emer naman ay nagtatalo. 

"Anong kalokohan ang ginawa mo kanina?" galit na sita ni Emer kay Dennis pagpasok pa lang nila sa living room ng bahay niya. 

"That's what you want right?" sarcastic na sagot ni Dennis. 

"You're too conceited, hindi ko ginusto na makasal sayo." sigaw ni Emer dito. 

"Really? bakit kailangan niyong gamitin si Vincent para pagselosin ako." habang sinasabi ni Dennis ito ay humahakbang sya papalapit sa kinatatayuan ni Emer. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon