Chapter 36 part 1

129K 1.6K 117
                                    

Chapter 36 part 1

Nang mga sandaling yun ay naging sunud sunuran  si Emer sa mga pangyayari. Namalayan na lamang nya na tapos na ang seremonya at ganap na syang Mrs. Emerald Ignacio Almonte. 

"Good luck sis, sana hwag mong pagsisihan ito." bulong ni Jesica ng lapitan nito ang kaibigan.

Nginitian na lamang niya ang kaibigan. Kung alam lamang nito ang nararamdaman niya ng mga sandaling yun. Kinakabahan sya sa magiging buhay niya sa piling ni Dennis. 

Isa-isa sa mga dumalo sa kanilang simpleng kasal ang bumati sa kanila. 

"Dennis, sana hwag mong paiiyakin ang anak ko." may halong parunggit ang salita ni Eliza. 

"I'm just here hija." baling naman nito kay Emer.

"Hwag po kayong mag-aalala, I'll try to be a good husband to your daughter." Alam ni Dennis kasinungalingan yun. 

Tumango lamang si Eliza dahil hindi siya kumbinsido sa sinabi ng bagong manugang. Hindi niya rin nagustuhan ang klase ng kasal na ibinigay nito sa bunso niyang anak, kaya may tampo rin siya sa mga magulang ni Dennis dahil hindi nila kinumbinsi ang anak na mabigyan ng marangyang salo-salo.

"Balae dito ka na muna tumigil sa amin ng ilang araw bago kami pumunta ng America para makapagkwentuhan naman tayo."  nakangiting nilapitan ni Divina si Eliza.

"I'm sorry balae pero babalik na ako ng San Simon mamaya, may mga naging problema sa rancho na kailangan kong ayusin. Hinintay ko lang ang araw na ito para kay Emer."  pilit pa rin niyang pinakikitunguhan ng maayos ang mga ito.

Habang nasa hapag kainan sila ay hindi na nakatiis si Eliza na magtanong. "Dennis, saan pala kayo titira ni Emer?" 

"Mama, meron akong bahay sa Pasig doon muna kami ni Emer for the mean time habang under construction pa ang bahay na pinapagawa ko dito sa Makati." paliwanag ni Dennis sa biyenan.

Si Emer naman ay nakikinig lamang sa usapan ng mga nakapaligid sa kanya. Busy ang kanyang isip sa mga magaganap sa hinaharap. 

"We have to go Emer may mga aaskasuhin pa kami ni Toffer, at si Venice naman kanina pa tumatawag." paalam ni Jesica pero sa totoo lang ay naaalibadbaran siya sa presensiya ni Dennis.

"Thanks for coming." pilit ang ngiti ni Emer. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon