Chapter 31 part 2

134K 1.4K 46
                                    

Chapter 31 part 2

Inihanda ni Eliza ang sarili pagpasok na pagpasok sa teritoryo ng mga Almonte. Pagtuntong pa lang niya sa entrance ng building ay mahigpit na ang seguridad. 

"Ma'am anong floor po kayo?" magalang na tanong ng babaeng nasa front desk.

"Sa office ni Dennis Almonte." nginitian pa niya ang babae para pagbigyan siyang makausap ang OIC ng kompanya.

"Ma'am do you have an appointment with Mr. Almonte?" magalang pa rin nitong tanong.

"Actually I don't have but I need to talk to him its an urgent matters." pakiusap niya. Hindi niya akalain na dadaan pala sya sa butas ng karayom para lang makausap ang lalaking yun.

Hindi namalayan ni Eliza ang papalapit na babae sa kinatatayuan niya. 

"Tessa, nasa taas na ba si Dennis?" tanong ni Divina sa babaeng kausap ni Eliza.

Agad namang napalingon si Eliza sa babaeng nagsalita mula sa kanyang likod at ng magtama ang paningin nila ay nginitian niya ito. Alam niyang ito ang Mama ni Dennis at hindi niya akalain na ngayon niya makakaharap ang huli.

"Yes ma'am kanina pa po." mabilis na tugon nito.

Sinuklian din ng ngiti ni Divina ang halos kasing edad niyang babae na nasa harap ni Tessa at akmang tatalikod na sana siya ng magsalita muli si Tessa.

"Ma'am si Mrs. Eliza Ignacio po pala, gusto po niyang makausap si sir Dennis." pagbibigay ng impormasyon ni Tessa.

Nanlaki ang mga mata ni Divina ng marinig ang pangalan ng babaeng nasa harap niya. "Are you related to Emerald Ignacio?" nakangiti niyang tanong.

"Yes, I'm her mother." sabay tango ni Eliza.

"Nice to meet you. Mabuti bumisita ka?  mabilis na nakipag beso beso si Divina. 

Nagulat man si Eliza sa naging reaksiyon ni Divina ay agad niyang ginantihan ang pakikipagbeso beso nito.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon