Chapter 42 part 1

120K 1.7K 111
                                    

Chapter 42 part 1

Nakahanda na ang gamit ni Dennis ng mga oras na yun, hinihintay na lamang niya ang driver na maghahatid sa kanya sa airport. Nakapag-usap na rin sila ng kanyang pinsan at ipinangako nito na bukas na bukas rin ay darating ito para siya ang mag oversee sa kanilang kompanya. 

Nang marinig niyang may nag buzzer sa labas ay agad na niyang dinampot ang kanyang maleta. Ganun na lamang ang pagkakunot ng noo niya ng ang mapagbuksan ay si Joan. 

"W-where are you going?" nagmamadaling tanong ni Joan ng makita ang hawak na maleta.

"I'm going home."  maikling sagot ni Dennis, wala na rin siyang balak pang patuluyin ito.

"Uuwian mo ang asawa mo? but she doesn't even care about you because she's busy with someone." matamang tinitigan ni Joan si Dennis. 

"What are you talking about? I don't understand." patuloy na nakakunot ang noo ni Dennis habang nakatayo pa rin sila sa may pinto.

"Look at this!" may isang brown envelope itong ibinigay kay Dennis.

"Ano ito?" tanong ni Dennis habang hawak ang envelope.

"Bakit hindi mo buksan? and see for yourself."  nakangising  sabi ni Joan.

Mabilis na binuksan ni Dennis ang envelope at namula sya sa galit ng makita kung ang nilalaman nito. Kitang kita niya na matamis na nakangiti si Emer sa lalaking kausap nito. May mga kuha rin na hawak ni Marco ang kamay ng asawa at ang kapansin pansin pa ay kung saang lugar ang kuha nito. Ibig sabihin nasa hotel ang asawa kasama ang kinaiinisan niya. Sa simula pa lamang ay ipinaliwanag na niya kay Emer na ayaw na ayaw niyang lumalapit siya sa lalaking ito. 

Nang mapansin ni Joan ang reaksiyon ni Dennis ay napangiti siya, alam niyang sa hiwalayan na ang patutunguhan ng relasyon ng mag-asawa. 

"Hindi pala mapagkakatiwalaan ang asawa mo, ilang buwan ka lang nawala ay may kinakalantari ng iba." pahayag ni Joan habang umiiling.

"Don't judge my wife, you don't know her." nakatiim bagang na sabi ni Dennis. Hindi niya rin kayang may ibang taong magsasabi ng hindi maganda tungkol sa asawa kahit si Joan pa ito.

"Uuwi ka pa rin?" naiinis na tanong ni Joan. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon