Chapter 38 part 2

122K 1.5K 88
                                    

Chapter 38 part 2

Sa kabilang panig naman ng restaurant ay nakikipagtalo si Toffer kay Jesica tungkol sa pagkaing oorderin nila hindi sinasadyang napatingin si Jesica sa direksiyon nila Dennis.

"Sis, si Dennis.." halos hindi maibuka ni Jesica ang bibig, nanggigigil siya sa galit sa nakikitang eksena.

"I don't care about him." mataray na sabi ni Toffer sabay tingin sa menu na nasa harap niya.

"He's with his ex." pabulong na sabi nito.

"Mommy, why are you angry?" nagtatakang tanong ni Venice kay Jesica.

"I'm not angry anak." sabay halik nito sa pisngi ng anak.

Pagkarinig naman sa sinabi ni Jesica ay mabilis na nilingon ni Toffer ang direksiyon na tinnitingnan kanina ni Jesica.

Nanlilisik ang mga mata ni Toffer ng makita ang hinahanap. "Napakawalanghiya talaga ng lalaking yan, kaya pala hindi isinama si Emer." 

"Ssshh, watch your words. Naririnig ka ng bata." saway ni Jesica. Napansin niyang pinagmamasdan sila ng anak.

"Anong gagawin natin?" kalmadong tanong ni Toffer.

"Gusto ko siyang makausap." seryosong sagot ni Jesica.

"Kailangan malaman ito ni Emer." mabilis na inilabas ni Toffer ang kanyang cellphone.

"Ano ka ba? hwag muna nating sabihin kay Emer. Masasaktan na naman ang kaibigan natin." pigil ni Jesica kay Toffer.

Tumayo si Jesica mula sa kinauupuan, tiyak ang kanyang patutunguhan at hinanda niya ang kanyang matamis na ngiti.

"Hi Dennis, I didn't expect to see you here."  bungad ni Jesica ng nasa harap na siya nina Dennis at Joan.

Nagulat si Dennis ng biglang lumitaw sa harap niya ang kaibigan ng asawa. Alam niyang makakarating kay Emer ang tagpong ito. 

"Jesica nice to see you here, by the way meet my friend Joan." kaswal na tugon ni Dennis. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon