Chapter 37 part 2

127K 1.5K 70
                                    

Chapter 37 part 2

Habang nag-uusap ang mag-anak ay biglang tumunog na naman ang cellphone ni Emer na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nakita niyang nakarehistro ang pangalan ni Toffer. 

"Hi" bungad ni Emer sa kabilang linya. 

"Mukhang nag-eenjoy ka sa vacation mo dyan senyorita." pang-aasar ni Toffer sa kaibigan. Sa kanilang magkakaibigan si Emer talaga ang pinakamayaman pero hindi kakikitaan ng pagmamalaki sa kilos nito. 

"Just spending my time with my sister, bakit ka pala napatawag?" iniwanan muna ni Emer ang mga magulang habang nagkukwentuhan. 

"Pupunta kami ni Jesica sa Singapore may mga kliyente akong kakausapin at si Jes naman ay may pag-aaralang bagong dish." excited na balita ni Toffer.

"Wow! I'm happy to hear that, it mean may bago tayong mga kliyente." natutuwang bulalas ni Emer.

"Yes, sis kaya relax ka lang diyan with your family para hindi mo naiisip ang walanghiya mong asawa." bumangon na naman ang inis sa dibdib ni Toffer para kay Dennis. Hindi niya rin nagustuhan na basta na lamang nito iniwanan si Emer pagkatapos ng kasal. 

"What about Venice? sino ang mag-aalaga sa kanya?" nag-aalalang tanong ni Emer.

"Isasama ni Jesica, hindi naman niya iiwanan yung bata alam mo naman na halos ayaw niyang mahiwalay dun." 

"Kung wala sanang mag-aalaga sa bata I'm willing to be her guardian for a while. I don't mind kahit sunduin ko siya dyan ngayon, para naman may libangan kami dito." nakangiti si Emer habang nagsasalita. Si Venice ang paborito niya sa lahat ng mga inaanak niya dahil napaka bibo ng bata.

"Kausapin mo si Jesica baka naman pumayag na diyan muna sa rancho and wala ka bang ipagbibilin sa magaling mong asawa? baka aksidente kaming magkita doon?" muling tanong ni Toffer.

Hindi na lamang sineryoso ni Emer ang huling sinabi  ng kaibigan dahil para sa kanya ay napaka imposible na makita nila si Dennis. Muling bumalik si Emer sa kinaroroonan ng mga magulang pagkatapos makipag-usap sa kaibigan. 

Hindi pa siya nakakaupo ay narinig na niya ang masayang tinig ng kanyang ate Emily, mukhang may bisita itong kasama. At ng lingunin niya ito ay nakita niyang si Althea ang kasama ng kapatid. 

"Hi! Ate Thea. Nice to see you here." mabilis na sinalubong ito ni Emer at nakipag besos beso.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon