Chapter 45 part 1

114K 1.7K 82
                                    

Chapter 45 part 1

Maagang umalis si Dennis papuntang San Simon hindi niya hahayaang na ganun na lamang ang kahihinatnan ng kasal nila ni Emer.  Inihanda niya rin ang sarili kung sakali mang makakaharap nito ang ama ng asawa.

Nagpakawala ng buntonghininga si Dennis ng matanaw na niya ang arko na nagsasabing papasok na siya sa rancho ng mga Ignacio.

"This is it!" bulong ni Dennis sa sarili.  Hindi niya matandaan ang huling pagkakataon na nakaramdam siya ng ganitong kaba at the same time excitement dahil muling makikita niya ang kanyang asawa. 

Namalayan na lamang niya ay nasa gate na siya at may matandang lalaking papalapit sa kanya. Inilibot ni Dennis ang paningin, humahanga siya sa nakikitang kagandahan sa loob ng bakuran at lalo siyang humanga sa kagandahan ng mansion ng mga Ignacio. Nabuhay ang curiosity kay Dennis kung bakit tinanggap ni Emer ang 20 million na kasunduan nila dahil kung ang pagbabasehan ang nakikita niya sa paligid ay hindi nito kailangan ang pera niya.

Isang mahinang katok sa bintana sa tapat niya ang pumutol sa pagmumuni-muni Dennis. Binuksan niya ang bintana at nginitian ang matanda sa labas ng sasakyan niya.

"Kayo po ba si sir Dennis Almonte?" magalang na tanong ng matandang katiwala. 

Tumango si Dennis. 

"Tuloy po kayo, sasamahan ko po kayo kay ma'am Eliza." niluwagan nito ang pagkakabukas ng gate. 

Hindi pa siya nakakalayo sa gate ng may isang sasakyan na pumasok din sa malawak na solar ng mga Ignacio. Nag park ang bagong dating malayo sa sasakyan ni Dennis. Dahil sa curiosity hindi muna bumaba ng sasakyan si Dennis inabangan niya kung sino ang sakay ng isang sasakyan. 

Halos mapamura si Dennis ng makita kung sino ang bumaba sa kotse. "Ano ang ginagawa ng lalaking ito dito?!" inis na tanong niya sa sarili. Agad siyang umibis para salubungin si Toffer.

"What are you doing here?" pagalit na tanong ni Dennis kay Toffer.

"I should be the one who will ask that to you. Dati na akong pumupunta dito and I can stay here as long as I want."  pabalang na sagot ni Toffer sa kanya sabay talikod ng walang paalam.

Kung wala lamang sila sa teritoryo ng asawa ay baka nasapak na niya ang lalaking yun. Ngayon napag-isip ni Dennis kaya malakas ang loob ng asawa na iwanan siya dahil may mga lalaking humahabol dito idagdag pa ang walanghiyang Marco na yun. Gigil na gigil si Dennis sa takbo ng kanyang isip. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon