Chapter 25 part 1

143K 1.5K 78
                                    

Chapter 25 part 1

Parang sasabog ang dibdib ni Emer sa eksenang naabutan niya. Kaya pala hindi sinasagot ng walanghiyang lalaking ito ang mga tawag niya ay dahil may kalampungang ibang babae. Sobrang sakit para sa kanya ang nararamdaman ngayon, parang gusto na niyang tumakbo pabalik sa kanyang sasakyan.

"Emer hija! nandito ka na pala." mabilis na bumaba sa hagdan si Divina para salubungin sya. 

Nang marinig naman ni Dennis ang tinig ng ina ay nagmamadali siyang lumayo kay Michelle. 

Nang tumapat si Divina sa kinauupuan ng anak ay tinapunan niya ito ng masamang tingin. Nilapitan niya si Emer at hinilang papasok sa loob ng kabahayan.  Huminto sila sa tapat nina Dennis at Michelle ng biglang magsalita si Divina.

"I think Dennis you should introduce Emer to you friend." may diin ang salita ng ginang.

Parang naumid ang dila ni Dennis, hindi niya alam kung ano ang sasabihin.

Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila at ng hindi na makatiis si Divina ay siya na ang nagpakilala. 

"I'm sorry hija." apolegetic ang tingin niya kay Michelle. "Emer is my son's fiance kaya hindi ka niya tinatawagan because he's busy with Emer." 

Nang marinig ni Michelle ang sinabi ng Mama ni Dennis ay galit na galit niyang hinarap ang lalaki. "I hate you! hindi ako papayag na ganito lang tayo matatapos. Pagbabayaran mo ito!" may pagbabantang sigaw ni Michelle bago siya umalis.

Habang si Emer naman ay hindi nagsisink -in sa utak niya ang mga nangyayari. Masakit para sa kanya ang nakitang may ibang babaeng kahalikan si Dennis. 

"Dennis iiwan ko muna kayo ni Emer, she needs an explanation. Ayoko rin ang nakita ko kanina." may awtoridad na sabi ni Divina sa anak. Tinalikuran niya ang mga ito at nagdiretso sa kitchen para tingnan kung handa na ang kanilang hapunan.

"I think I don't need to explain anything to you." sarcastic ang pagkakasabi ni Dennis. 

Tahimik na umupo si Emer sa tapat ni Dennis.

"Who is she?" lakas loob na tanong ni Emer.

"I am reminding you Emer na wala tayong pakialam sa isa't isa but if you insist.." 

"Sagutin mo lang ang tanong ko Dennis." putol ni Emer sa sasabihin pa sana niya.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon