Chapter 36 part 2

127K 1.5K 66
                                    

Chapter 36 part 2

Unang gabi ni Emer sa bahay ni Dennis, hindi siya mapakali hindi dahil nag-iisa siya dito kundi sa kakaisip ng motibo ng lalaki sa pagpilit sa kanya sa kasal na ito.  Bukas pa ng umaga makakarating si Nana Salud dahil kailangan muna niyang hintayin ang pamangkin na siyang iiwanan sa bahay naman niya. 

Nakakabingi ang katahimikang bumabalot ngayon sa buong kabahayan. Iginala ni Emer ang paningin sa loob ng master's bedroom at masasalamin dito ang karangyaan bawat detalye ng kwarto ay masasabing materyales puwertes. 

Napabuntong hininga si Emer, naalala niyang tawagan ang kanyang Mama para kumustahin kung maayos ba itong nakarating ng San Simon. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone na nakapatong sa bedside table.

"Mama, where are you now?" agad na bungad ni Emer ng marinig ang boses ng ina.

"Nandito na ako sa rancho anak, mabilis ang naging biyahe ko. Kumusta si Dennis hindi ka ba niya inaaway?" nag-aala pa rin ang tinig ni Eliza. 

Hindi alam ni Emer kung sasabihin ba niya sa kanyang Mama na iniwan siya ng asawa sa unang gabi ng pagsasama nila para sa negosyo nito.

"Maybe right now nasa Singapore na siya." malungkot na sabi ni Emer.

Nang mga oras din naman na yun ay nakailang tawag na si Dennis sa cellphone ni Emer pero busy tone lamang ang sumasagot sa kanya. Sinubukan din niyang tawagan ang landline nila sa bahay pero puro ring lamang ito. 

Kinakabahan na siya baka may masamang nangyari sa asawa, wala pa naman itong kasama sa bahay. Pagdating na pagdating niya sa tinutuluyang hotel ay agad niyang naisip na ipaalam dito na nakarating siya ng maayos sa Singapore. Susubukan niyang tawagan muli ito mamaya. 

Samantalang si Eliza ay halos murahin niya sa kanyang isip ang bagong manugang. Sa simula pa lamang talaga ay dapat hindi na niya hinayaang makasal ang mga ito.

"Emerald umuwi ka dito sa rancho, I wont have peace of mind kung alam kong mag-isa ka lang diyan." utos ni Eliza sa anak.

"Mama, I'll be fine. Nana Salud will be here tomorrow morning." 

"Even though anak, mas mabuting narito ka habang wala si Dennis and your sister is coming wth your father para naman kompleto ang pamilya natin." pangungumbinsi nito kay Emer.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon