Chapter 40 part 2

123K 1.5K 117
                                    

Chapter 40 part 2

Apat na oras din inabot ang biyahe nina Emer bago sila nakarating sa exclusive village sa Pasig kung saan nandun ang bahay ni Dennis. 

Masaya siyang sinalubong ni Nana Salud. "Ma'am kumusta po?"  inalalayan ng matanda ang amo na makapasok sa kabahayan.

"Okay naman po ako, kayo kumusta kayo dito?" balik anong ni Emer. 

"Naku ma'am, halos araw araw tumatawag dito si sir Dennis lagi nga niyang tinatanong kung may balita kami sa inyo." excited sa pagkukwento ang matandang katiwala.

Tinanguan lang ni Emer ang sinabi ni Nana Salud. Kahit ano pa ang malalaman niya this time ay desidido na siyang makipaghiwalay dito. 

"Bilin po pala ni sir na kapag dumating ka ay itawag namin sa kanya." patuloy na pahayag ni Nana Salud. 

"Hwag na po ninyo siyang tawagan, ako na lang ang bahalang mag inform sa kanya." 

Sumang-ayon na lang ang matanda sa sinabi ni Emer kahit na mahigpit na bilin ni Dennis na tawagan siya pagdating na pagdating ng asawa.  "Nagluto po ako ng paborito mo, ihahanda ko na muna ang hapunan." nagmamdali nitong tinungo ang dining room.

Nagdiretso na si Emer sa master's bedroom para makapagpahinga bago maghapunan. Pagpasok niya sa kwarto ay iginala niya ang paningin sa kabuuan nito, napaka aliwalas ng kwarto pero tuwing nandito siya sa loob nito ay nakakaramdam siya ng kalungkutan. Humiga siya sa malambot na kama para kahit papano ay makapagpahinga siya. 

Hindi naman mapakali si Dennis habang naghihintay ng tawag mula kay Nana Salud. Dapat sa ganitong mga oras ay nasa bahay na si Emer pero hanggang ngayon ay hindi pa siya tinatawagan ng matanda. Nang hindi na makapaghintay ay siya na mismo sana ang tatawag pero sunud sunod na ang ginawa ng taong nasa labas ng suite niya. Dali daling niyang sinilip kung sino ang tao sa labas at laking gulat niya ng makita ang hitsura ni Joan.

Samantalang si Toffer naman ay palabas din sa kanyang suite para ihatid ang mag-ina sa airport ng may mamataan siya sa di kalayuan sa kinatatayuan niya. Hindi siya pwedeng magkamali, si Dennis at Joan yun. Kitang kita niya kung paano nagyakapan ng dalawa bago pumasok sa loob ng kwarto. 

Kung hindi lamang napigilan ni Toffer ang sarili ay baka nasugod niya ang dalawa at nakatikim ng sabunot sa kanya ang bruhang babaeng yun.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon