Chapter 16

159K 1.8K 42
                                    

A.N. 

Dahil mahal ko kayong lahat kaya kahit po busy ako, isiningit ko sa sched ko ang pag UD. 

Happy reading ;0

__________________________

Chapter 16 

Namulatan ni Emer si Dennis na prenteng nakaupo sa couch habang hinihintay syang gumising. 

"What are you doing here?" mabilis na bumangon si Emer. Kahit ilang taon syang nanirahan sa America kahit minsan ay hindi pa sya nagpapasok ng lalaki sa kanyang kwarto, maliban kay Toffer. 

"I was waiting for you to wake up. Parang mantika kang matulog." nakangising sabi ni Dennis sa kanya. 

Inismiran lang ni Emer si Dennis at binuksan ang pintuan ng terrace. Gusto nyang makalanghap ng sariwang hangin dahil parang naninikip ang dibdib nya ngayong kasama si Dennis sa iisang kwarto. 

"We have a problem." buntonghininga ni Dennis at sinundan nya rin si Emer sa may terrace. 

Mabilis na napalingon si Emer kay Dennis. "Bakit? Anong nangyari?" mabilis na tanong ni Emer.

Umupo si Dennis sa pasamano ng terrace at matamang tinitigan si Emer. "Kinausap ako nina Mama kanina. They're expecting something..."

"Something? OMG! Dennis wala sa usapan natin ito." alam na ni Emer kung ano ang ibig sabihin ng binata. 

"That's why we need to talk para alam natin ang next step. Nasabi ko rin pala kina Mama na napagkasunduan na lang natin na mag live in." 

"Alam mo konting konti na lang ay mapapatay na kita Dennis!." inis na inis na sabi ni Emer.

"Since the beginning, I don't agree with you because I know the consequences at dinagdagan mo na naman ang kasalanan mo." habang sinasabi ni Emer ito ay parang may ideya syang naiisip to get even with Dennis.

"Nasa iyo ang magiging desisyon. Kakausapin ka nina Mama later." talagang sumasakit na ang ulo ni Dennis sa pinasok na gulo.

"Tungkol saan? at bakit ang magdedesisyon? ikaw naman ang nagplano ng lahat ng ito. And I just want to remind you na pinilit mo lang ako." Naiinis na naman si Emer kay Dennis dahil sya ang naiipit ngayon.

"Gusto nilang ikasal tayo." mahinang usal ni Dennis parang pasan nito ngayon ang problema ng buong mundo.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon