Chapter 46 part 1

109K 1.6K 56
                                    

Chapter 46 part 1

Samantalang ng mga sandaling yun ay masayang masaya si Joan sa nakuhang impormasyon. Halos hindi siya makapaniwala sa report na natanggap mula sa kanyang inutusang imbestigador. Agad-agad niyang tinawagan ang mansion ng mga Almonte para makausap ang mga magulang ni Dennis. Ngunit napag-alaman niyang nasa America ang mga ito at sa susunod na lingo pa ang babalik ng Pilipinas. 

Hindi mapakali si Joan, palakad lakad siya sa living room ng kanyang maaliwalas na condo unit sa Makati. May mga plano na siyang nabubuo kung paano sila magkakabalikan ni Dennis. And this time she's pretty much sure na kakampi niya sina Divina at Francis. 

"I'm sure mawawala na ang tiwala nila sayo Emerald Ignacio." nakangisi nitong bulong. 

_____________________

"Dennis, kaya mo bang harapin ang papa namin?" tanong muli ni Emily ng mahalata ang pananahimik ng kausap.

"Of course, I'll talk to him. Ako na ang magsasabi tungkol sa amin ni Emer." matatag na sabi nito.

Nasiyahan si Emily sa sagot na narinig mula kay Dennis. Nginitian niya ito. "Good luck. I want to remind you na hindi ito ganun kadaling tatanggapin ng papa. You need to convince him about your good intention for my sister."

Tumango si Dennis, kahit medyo kinkabahan siya sa pakikiharap sa patriarka ng mga Ignacio. 

"Hayan na pala sila." Masiglang sabi ni Emily habang nakatanaw sa paparating na sasakyan. 

Unang bumaba si Eliza pero ng makita niya si Dennis sa terrace na kausap ni Emily ay parang hindi na niya maihakbang ang kanyang mga paa. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib at ng lingunin niya ang asawa ay papalapit na ito sa kanya. 

"Sweetheart, may bisita pala si Emily? Kaya hindi ko siya napansin sa reception." sabay akbay ni Gerardo sa asawa.

"Baka may importante lang silang pinag-uusapan, mas makakabuti kung hwag na natin silang istorbohin. Maybe it's about business, you know your daughter she's business oriented." hiling ni Eliza sana paniwalaan siya ng asawa. Hindi niya rin alam kung paano haharapin ang galit nito kung sakali mang malaman niya ang sitwasyon ng bunsong anak. 

"I think I know him." sabi ni Gerardo habang papalapit sa dalawa. 

Pigil ang hininga ni Eliza habang palapit sila ng palapit kina Dennis at Emily.

Playful HeartWhere stories live. Discover now