Chapter 1

312K 3K 61
                                    

A.N.

Heto na po ang kwento nina Dennis at Emer, sana po suportahan ninyo :)

Happy reading... Please leave your vote and comment po ^ ^

___________________________________________

Chapter 1

Nagmamadali si Dennis na makauwi, kani kanina lang ay kausap nya ang kanyang Mama may mahalaga daw silang pag-uusapan.

Napapailing sya, ,may usapan pa naman silang magkakaibigan na magkikita sa isang bar sa Makati. 

Hindi naman nagtagal ay papasok na ang kanyang magarang kotse sa bahay ng mga magulang. Natanaw nya agad ang mga pamangkin na naghahabulan.

“Mabuti naman nakarating ka.” Bungad ni Mrs. Divina Almonte, ang kanyang butihing ina.

 

“Mama, syempre malakas ka sa akin.” Isang halik sa pisngi ang ibinigay nya dito.

“Bro, nabalitaan ko yung nangyari 2 weeks ago.” Natatawang  sabi ng kuya habang bumababa sa hagdan.

“Kuya, kalian kayo dumating?” nilapitan sya ng kanyang kuya Gener at tinapik sa balikat.

“Kahapon pa, sabi ng Mama madalang pa daw sa patak ng ulan kung bisitahin mo sila.”

“Busy kasi company daming projects ngayon.”

“Don’tn say that lame excuse, you’re busy sa mga babae mo.” Nakalabing sabi ni Mama nya.

“Mama talaga, nagselos na naman.” Sabay akbay sa ina papuntang dining room.

“Hmmm, parang sarap ng dinner natin ngayon.” Sabi ni Dennis ng makita ang mga nakahaing pagkain.

“Hwag mong ibahin ang usapan Dennis, kalian ka ba magbabago? You’re not getting any younger.”

“Mama, let’s eat first. Asan pala ang Papa? Kuya ang mga bata at si Ate Lena sasabay ba?”

“Parating na ang Papa nyo.” Seryoso pa rin si Divina.

 

“May kausap lang ang ate Lena mo sa phone ang mga bata naman ay nauna ng dinner.” Sagot naman ng kuya nya.

Hindi naman nagtagal ay dumating na ang kanilang Papa.

“Traffic ba sweetheart?” malambing na tanong ni Mrs. Almonte sa asawa.

“Yeah, naipit ako sa EDSA.” Hinalikan nito ang ginang.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon