Chapter 45 part 2

112K 1.8K 75
                                    

Chapter 45 part 2

Kasalukuyang nagmamaneho si Dennis ngayon papuntang San Simon hindi para makipagkita sa kanyang asawa kundi para dumalo sa kasal ng kanyang matalik na kaibigan. Tanggap na niya kung ano man ang magiging desisyon ni Emer. 

Ilang beses din na nagpabalik balik si Dennis sa San Simon para makausap lang ang asawa pero kahit isang beses ay hindi siya hinarap nito. Laging sinasabi ng mga kasambahay ay kasama si Toffer, ito ang isa sa mga dahilan kung bakit lalong umiinit ang kanyang ulo. 

Naiinis siya kay Emer dahil naging sarado ang isip nito at hindi man lang pinakinggan ang kanyang panig. 

Nang makarating sa simbahan ay agad niyang nilapitan si Gabriel pero naging malikot ang kanyang mga mata, may isang tao siyang gustong gustong makita. 

"Dude, bakit wala pa ang bride?" nakakunot ang noo ni Dennis ng lapitan si Gabriel.

"Bakit ba nagmamadali ka? parang ikaw naman ang groom." nakangising baling nito sa kaibigan.

"Gusto ko ng matapos agad ito para makabalik na agad ako sa Manila." nakasimangot itong nakatingin kung saan. 

Kitang kita ni Dennis na masayang nakikipag-usap sa kanyang ate habang nasa tabi nito si Toffer. Kaya parang sasabog ang dibdib niya sa selos.  Nakikita niya na hindi man lang apektado ang asawa sa paghihiwalay nila samantalang siya ay halos magmakaawa dito para kausapin lang siya.

Nakita ni Gabriel na kay Emer nakatingin si Dennis habang masayang nakikipag-usap ito sa ate niya. 

"Ano bang nangyari sa inyo ni Emer? I thought everything were fine ng huli tayong mag-usap." tanong ni Gabriel.

"Ayokong pag-usapan ito." at bigla na lamang nanahimik sa tabi ni Gabriel at masamang tingin ang pinukol nito sa dalaga. 

"I know one day malalaman ko rin yan." nakangiting sabi ni Gabriel.

Hindi na lamang pinansin ni Dennis ang sinabi ng kaibigan ayaw na muna niyang pag-usapan ang problema nila ni Emer.

Sa kabilang panig naman ay panay ang tanong ni Emily sa nakababatang kapatid."Emer, who's that guy? bakit ang sama ng tingin sayo." 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon