Chapter 31 part 1

136K 1.6K 49
                                    

Chapter 31 part 1

Natagpuan ni Emer ang kanyang Mama na nagbabasa ng newspaper sa den. Kailangan na niyang sabihin dito kung ano ang namamagitan sa kanila ni Dennis.

"Mama, pwede ba tayong mag-usap?" lakas loob na tanong ni Emer.

Itinabi ni Eliza ang diyaryong binabasa. "Hindi ka ba papasok ngayon?"

Umiiling si Emer. "Mama I know you're mad at me. I can explain to you everything hwag ka lang magalit." umupo si Emer sa tabi ng ina.

"I am not mad nagtatampo lang ako at hindi ko gusto na magpapakasal ka without our knowledge. Emerald I know you can live without us but we need to know what's happening to you. We're still your parents." naluluhang sabi ni Eliza.

"Mama, I'm sorry because of my impulsive decision kaya naging ganito ang sitwasyon." nakayukong sabi ni Emer. Hiyang hiya sya sa kanyang ina.

"I am willing to listen and I want you to tell me everything wala kang ililihim." sinisikap na maging mahinahaon ni Eliza sa harap ng anak, kahit ang totoo ay gustong gusto na niyang sigawan ito at pagalitan.

Sinimulan ikwento ni Emer ang lahat ng mga nangyari kung bakit nangyayari ang lahat ngayon.

Tahimik nakikinig si Eliza sa anak at habang nagsasalita si Emer ay naaawa sya para dito dahil nakikita niyang mahal na nga ng anak ang aroganteng lalaki.

"Ano ang gagawin mo ngayon?" tanong ni Eliza sa anak pagkatapos nitong magkwento.

"Mama kailangan matuloy ang kasal may sakit si Mama Divina, pero kung talagang hindi kami magkakasundo ako mismo ang magpafile ng annulment."

Umiiling si Eliza sya ang nahihirapan para sa anak. "Saan mo dinala ang 20 million na nakuha mo kay Dennis? sinabi sa akin ng ate Emily mo na sya ang nagpahiram sayo para masimulan mo ang business mo." nakakunot ang noong tanong ng ginang sa anak.

"It's still in my account hindi ko ginamit." mabilis na tugon ni Emer.

"Ibalik mo ang pera sa lalaking yun baka isipin niya na ang habol mo lang sa pagpayag sa pagpapakasal sa kanya ay ang pera nila." may awtoridad na utos ni Eliza.

"Mama hayaan mo sya kung ano ang isipin niya, ibabalik ko rin yun sa tamang panahon."

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon