Chapter 24 part 2

141K 1.5K 54
                                    

Chapter 24 part 2

Nagmamadaling bumaba si Dennis para komprontahin si Michelle. Inabutan niya itong prenteng nakaupo sa living room.

"Ano ang ibig sabihin nito?" dumadagundong ang boses ni Dennis.

"Hi sweetie!." tuwang tuwang salubong ni Michelle kay Dennis sabay yakap dito.

Inis na inilayo ni Dennis sa kanya si Michelle. "Ano na naman ang gusto mong palabasin this time?" 

"Don't worry sweetie nakausap ko na ang Mama mo at sinabi ko na sa kanya ang tungkol sa relationship natin." masaya nitong pagbabalita. 

"Wait a minute Michelle." sansala ni Dennis sa babae ng akmang yayakapin na naman sya nito.  "From the start alam mo naman kung anong meron tayo. I've told you before that I like you as my bed partner at wala ng hihigit pa dun." pagpapaliwanag ni Dennis.

Umupo si Dennis sa pandalawahang upuan na naroon at walang pakundangan tumabi si Michelle sa kanya, inihilig pa ng babae ang ulo sa balikat niya. 

"Ngayong nasabi ko na sa Mama mo ang tungkol sa atin I think it's time for us to be in the next level." malambing na sabi ni Michelle habang hinihimas nito ang hita ni Dennis. 

Pinipigilan ni Dennis na maapektuhan siya sa ginagawa ni Michelle sa kanya. 

"Alam mo naman na I hate commitment kaya hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo." sinasabi ito ni Dennis habang tinatanggal ang kamay ni Michelle sa kanyang hita. 

"I love you." malambing ang tinig ng babae at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ni Dennis.

'Hmmm" sadyang sumunod sa baba si Divina para bantayan ang kilos ng dalawa. 

Nang makita ni Michelle ang ina ni Dennis ay dali dali itong lumapit sa ginang at inihanda ang pinakamatamis niyang ngiti. 

"Tita hindi pa po kami tapos mag-usap ni Dennis, nagpapakipot pa ang anak ninyo." 

Naningkit ang mata ni Divina pagkarinig sa sinabi ni Michelle. Ang pakiramdam niya ay itinataboy sya ni sa sarili niyang pamamahay.  Walang sabi sabing tinalikuran niya ang dalawa.

Nang mga oras na yun ay walang tigil naman si Emer sa pagpindot sa kanyang cellphone. Nakailang tawag na sya kay Dennis pero hindi nito sinasagot ang kanyang telepono. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon