Chapter 22 part 2

144K 1.6K 59
                                    

Chapter 22 part 2

Pagkatapos ng tanghalian sa den na pinatuloy ni Emer ang mag-ina at habang nakaupo silang tatlo ay nagpapakiramdaman sila kung sino ang unang magsasalita. 

Si Dennis na ang bumasag ng katahimikan at para mawala na rin ang kabang kanyang nararamdaman. "Mama tungkol saan ba ang pag-uusapan natin?" 

"Nag-usap kami ni Emer kanina at napagkasunduan na namin ang tungkol sa kasal ninyo." malumanay na sabi ni Mrs. Almonte.

Halos hindi makatingin si Emer kay Dennis, parang tinatambol sa kaba ang kanyang dibdib. 

Marahas namang napabuntong hininga si Dennis pagkarinig nito sa sinabi ng ina. 

"Napagkasunduan na pala ninyo without my knowledge, bakit kailangan nyo pa akong makausap?" nang-uuyam na sabi ni Dennis habang nakatingin ito kay Emer na nakayuko naman. 

"Dennis! hwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!" tumaas na ang boses ng kanyang ina. 

"Mama, alam naman ninyo na I don't want anybody manipulating my life." pilit na nagpapakahinahon si Dennis. Pero kung hindi lamang ang ina ang kanyang kaharap baka nagwala na sya.

"I am not manipulating your life I'm just helping you to choose the right person for you." may galit pa rin ang tinig ni Mrs. Almonte.

Nang mga sandaling yun ay parang gustong lumubog ni Emer sa kinauupuan, hindi nya alam kung paano pakikitunguhan si Dennis. Nakikita nya kung paano sagutin ng binata ang ina at nasasaktan din sya dahil sa inaasal ni Dennis. Para naman syang napakapangit na babae para ayawan nito. 

"Mama, hindi na ako bata. At kami ni Emer ang dapat mag-usap tungkol dito." masamang tingin ang pinukol nito kay Emer. 

Napanuntong hininga ang matanda. "Ayaw mong pakasalan si Emer ipaliwanag mo sa akin kung ano yung nakita ko kanina sa dining room." ang tinutukoy nito ay ng abutan silang naghahalikan.

"Tita, tama po si Dennis kailangan naming pag-usapan ito." sa wakas na nakapagsalita din Emer kahit kinakabahan. 

"Bueno iiwan ko muna kayo para makapag-usap. Gusto kong maayos ninyo ito sa lalong madaling panahon." sabay tayo nito.

Pagtalikod ng ina ay agad na binalingan ni Dennis si Emer. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon