Chapter 12

164K 1.7K 60
                                    

Chapter 12

Hindi mapakali si Dennis while he’s reading some documents in his office, bigla na lang pumapasok sa isip nya si Emer.

“Ano kaya ang ginagawa ng babaeng yun ngayon?” bulong ni Dennis.

Pagkatapos ng dinner nila with his parents hindi na silang nagkita muli ni Emer. Almost one week na rin ng huli nyang Makita ang dalaga.

Napahawak pa sa batok si Dennis ng maalala ang magandang mukha ni Emer. Hindi sya ganito dati at wala pang babae ang nagpagulo ng isipan nya.

Naputol ang pagmumuni muni ni Dennis ng  kumatok ang kanyang secretary .

“Sir, napirmahan na po ba ninyo yung documents para sa H.R. department? “Maingat na pumasok ito sa opisina ng boss si Lisa.

“Yes, get those folders. Tapos na ang mga yan.” Sabay turo ni Gabriel sa mga files na nakapatong sa mesa nya.

Lalabas na sana si Lisa ng may naalala sya.

"Sir, may tumawag po pala sa inyo, Michelle Centeno. She said you have unfinish business with her." pagbibigay impormasyon niya.

"Next time na tumawag sya, just tell her that I am busy." utos ni Dennis sa kanyang secretary. Itinuon na nya ang pansin sa iba pang mga dokumento na nasa harap.

Tahimik namang lumabas ang secretary. Kabisado na ni Lisa ang boss, hindi lang naman isang babae ang laging tumatawag dito. Parang naging trabaho na rin nyang itago ang boss sa mga babaeng habol ng habol. 

Ilang minuto pa lang nakakalabas si Lisa ay kumakatok na naman ito sa opisina ni Dennis. 

"Sir, mayghahanap po sa inyo sa..." hindi pa nya natatapos ang dapat sabihin ay tinabig na sya ng babae at tuloy tuloy na pumasok sa opisina ng kanyang boss.

"Darling, palitan mo na yang secretary mo napakasinungaling." maarteng sabi ni Michelle sabay halik nito kay Dennis. 

Walang  pakialam si Michelle kahit  nasa loob pa rin ng opisina si Lisa. "I miss you darling." sabi nito habang pinalalalalim nito ang halik.

Si Lisa ay hiyang hiya sa nasaksihan sa loob ng opisina ng boss. Ilang taon na rin syang naninilbihan dito pero ngayon lang nyang nakitang nakipaghalikan ang amo at sa harap pa nya. 

"Pssst. Sino yung maarteng babaeng yun?" bulong ni Jen. Taga HR department ito, kukunin nya sana ang mga pinapirmahang documents ng makasabay si Michelle sa elevator. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon