Chapter 41 part 2

120K 1.5K 70
                                    

Chapter 41 part 2

Umaga ng bumalik si Dennis sa kanyang suite at laking pasasalamat niya ng hindi na datnan doon si Joan. Kailangan na niyang makauwi agad agad para makausap ng personal ang asawa at para maayos na rin ang gusot sa pagitan nila. Sasabihin niya sa asawa na subukan nilang work out ang marriage nila. 

Binigyan na rin ni Dennis ng instructions ang kanyang secretary dahil hindi na niya mahihintay pa ang pagdating ni Vincent. Kinakailangan na talaga niyang umuwi para maayos silang mag-asawa. Dinampot ni Dennis ang telepono para ipaalam kay Emer ang pagdating niya ng araw na yun, naka ilang ring muna sa kabilang linya ng may sumagot.

"Nana Salud, nandyan ba si Emer?" bungad ni Dennis.

"Bakit hinahanap mo pa ang alaga ko? samantalang may kasama ka naman palang babae diyan." malamig na tanong dito ng matanda.

"Nana, I'll explain everything pagdating ko but right now I want to talk to my wife." pakiusap ni Dennis.

Napasimangot na lang ang matandang katulong ng marinig ang sinabi ni Dennis, sa totoo lang ayaw naman talaga niyang bastusin ito pero siya ang nasasaktan sa pagtrato nito kay Emer.  "Kakaalis lang ni Emer may kakausapin daw na kliyente. Hindi ko masasabi kung anong oras babalik." 

"Tatawag na lang ako ulit mamaya." lulugo lugong sabi ni Dennis.

Umaasa pa naman sana siyang makakausap niya si Emer. Alam niyang nakapagsumbong na ang matandang katiwala dito at hindi niya rin masisisi kung na kay Emer ang loyalty ng matanda dahil ito naman talaga ang totoong amo nito. 

Sinubukang tawagan ni Dennis ang cellphone ng asawa para makausap niya ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nagmamadali siyang makausap si Emer, basta hindi mapapanatag ang kalooban niya hangga't hindi sila nag-uusap. Laking pasasalamat niya ng sinagot nito ang tawag. 

"Emer, where are you? tumawag ako sa bahay ang sabi ni Nana Salud may kakausapin ka daw na kliyente." malumanay na sabi ni Dennis. 

"Papunta ako sa boutique ngayon. Anong kailangan mo?" walang ganang tugon ni Emer dito.

Agad na napansin ni Dennis ang malamig na pakikitungo sa kanya ni Emer, alam niyang si Joan ang may kasalanan nito. 

"Emer, may sinabi pa sayo si Nana Salud? tumawag kasi siya kagabi at iba ang nakasagot." kinakabahan si Dennis habang nagsasalita. 

Playful HeartWhere stories live. Discover now