Chapter 28 part 1

142K 1.7K 109
                                    

Chapter 28 part 1

Nang dumulog sa hapag kainan ang mag-asawang Almonte ay inabutan nilang tahimik na nakaupo ang tatlo. Napansin din nila na hindi nawala ang pagkakakunot noo ni Dennis.

"Vincent napag-usapan na namin ni Dennis ang tungkol sa expansion natin." simula ni Francis ng makaupo. 

"Ano ba naman kayo? business na naman ang pinag-uusapan ninyo." nakasimangot na sabi ni Divina.

Sinimulan na nila ang hapunan. Nararamdaman ni Emer ang tensiyon sa pagitan ni Dennis at Vincent. 

"Emer taste this, especialty ni Tita ito." nakangiting sabi ni Vincent habang nilalagyan ng kare-kare ang pinggan ni Emer.

"She can't eat that, she has an allergy in nuts." singhal ni Dennis sa pinsan.

Nabigla si Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis. Kailan pa sya nagkaroon ng allergy sa peanuts. Nagsawalang kibo na lamang sya dahil ayaw niyang mapahiya si Dennis sa harap ng mga magulang nito at kay Vincent.

"Oh sorry hija, hindi ko naisip na bawal pala sayo ang nuts. Sayang hindi mo matitikman ang especialty ko." umiiling na sabi ni Divina.

"Its okay po, mukahang masarap naman ang lahat ng inihanda ninyo." nakangiting sabi ni Emer.

"Diday!" tawag ni Dennis sa kawaksi nila.

"Yes Sir, ano po kailangan ninyo?" nagmamadaling lumapit ito sa amo. 

"Pakipalitan itong pinggan ni Maam Emer mo." sabay abot sa pinggan na may laman ng kare-kare.

Nagmamadali namang sumunod ang katulong. 

Habang kumakain naman ay masyadong attentive si Dennis sa mga pangangailangan ni Emer. Sya ang naglagay ng pagkain nito sa plato kulang na lamang ay subuan niya ang dalaga.

Si Emer naman ay naiilang sa atensiyon na ibinibigay sa kanya ni Dennis, sanay syang laging sinisinghalan nito. 

"Tita, when is the schedule of your next treatment?" tanong ni Vincent sa tiyahin.

"Dapat next month kaya lang may mga inaayos pa kami ng tito mo bago bumalik ng America." sagot ng ginang sa pagitan ng pagsubo nito.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon