Chapter 7

175K 1.9K 33
                                    

Chapter 7

Nakita ni Dennis ang naging reaksiyon ni Emer ng sabihin niyang pumapayag na siya sa halagang gusto ng dalaga. 

"Hwag mong sabihing nagbago ang isip mo Miss Ignacio?" tanong ni Dennis kay Emer.

"Are you insane? bakit kailangan mong magbayad ng ganun kalaki para magpanggap lang na girlfriend sa harap ng mga magulang mo?"  sabi ni Emer ng mahimasmasan siya sa pagkabigla. 

"I have my reasons and I think hindi mo na kailangan malaman yun." 

"Aba! arogante ka talaga." inis na sabi ni Emily sa kaharap.

"As soon as possible ipapakilala na kita kina Papa at Mama." pagbibigay impormasyon ni Dennis

"Wait, hindi ko pa sinasabing pumapayag ako." nakangisi si Emer.

"Oh God! Emerald, ikaw na ang pinaka imposibleng babaeng nakilala ko. Sinabi mo na gusto mo ng 20 million na kabayaran para sa offer ko sayo, then I agreed tapos sasabihin mo hindi ka pa pumapayag." reklamo ni Dennis habang hawak nito ang sintido at nakapikit ang mga mata.

Lalo namang natuwa si Emer sa nakikitang ayos ni Dennis, hindi niya akalain ang mayabang na lalaking ito ay lalapit sa kanya para humingi ng tulong.

Nang idilat ni Dennis ang mga mata nakita niyang nakangisi si Emer sa kanya. "Bukas na bukas din isasama kita sa mansion para makilala ang mga magulang ko." deklara ni Dennis

Hindi na napigilan ni Emer na mag burst out. "I'm not going to accept your offer Mr. Almonte, makakaalis ka na!." 

"Tomorrow I'll be here around 7:00 o'clock in the evening, magdidinner tayo sa mansion." tumayo na si Dennis, hindi na niya binigyan ng pagkakataong makapagprotesta pa si Emer.

Nanggigigil si Emer habang pinapanood nitong papalayo si Dennis. 

"Maam, okay lang po ba kayo?" dali dali namang lumapit sa kanya si Manang Salud. 

Tinanguan ni Emer ang matanda at inutusang kunin ang kanyang laptop sa kwarto. Naisip niyang magresearch tungkol kay Dennis Almonte, gusto niyang makahagilap ng impormasyon tungkol dito.

Sumama ang pakiramdam ni Emer ng makakita ng picture ni Dennis na may kayakap na magandang babae. Naninngkit ang mata niya habang nakatitig sa screen ng kanyang laptop. "Bakit ba ako apektado sa litratong ito?." bulong ni Emer sa sarili. 

________________________________

"Hijo saan ka ba galing? hindi mo na nga kami sinundo sa airport, hindi ka pa namin aabutan dito." nagtatampong bungad ni Divina sa anak.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon