Chapter 24 part 1

142K 1.6K 74
                                    

Chapter 24 part 1

Maraming inaasikaso si Emer kaya tinawagan niya si Dennis na baka ma late sya sa dinner nila. Ayaw naman niyang paghintayin ang mag-asawang Almonte. 

"Hindi ba pwedeng bukas na lang yan?" naiiritang tanong ni Dennis kay Emer. 

"I'm sorry naipit ako sa isang kliyente na ito, I might be late about 10-20 minutes lang naman. Magdinner na kayo hahabol na lang ako sa tea time." paliwanag ni Emer. 

"So, wala kang planong maghapunan? baka naman dahil dyan sa business mo na yan magkasakit ka." kahit naman galit si Dennis kay Emer ay nag-aalala rin sya para sa kalusugan nito. 

Alam ni Dennis na mag-isa lang na namumuhay  si Emer dito sa Manila, ang mga magulang nito ay nasa San Simon. 

Hindi makapaniwala si Emer sa naririnig na concern sa boses ni Dennis sa kabilang linya. Napangiti siya dahil dito. 

"Mag drive thru na lang ako." maikling sagot ni Emer habang maluwag pa rin ang pagkakangiti niya.

"No, i'll wait for you kaya tapusin mo na ang lahat ng dapat mong tapusin."  Inis na sabi ni Dennis.

Magsasalita pa sana si Emer pero naibaba na ni Dennis ang telepono.

Siya namang lapit ni Divina sa anak pagkababa nito ng telepono. "Hijo, si Emer ba yun?" 


Tumango si Dennis bago nagsalita. "Baka ma late daw sya sa dinner may isa pa siyang kliyenteng aasikasuhin." 

"That's alright, we'll wait for her." maaliwalas sa pagkakangiti ang mukha ng matanda. 

Ngayon napatunayan ni Dennis na talagang gustong gusto ng kanyang Mama si Emer. Natatandaaan nya na noong ang kanyang kuya ang magpapakilala ng nobya sa mga magulang ay na late lamang ito ng ilang minuto ay galit na galit na ang kanyang Mama to the point na inayawan na nito ang nobya ng kapatid. 

Naupo si Divina sa living room habang nagbabasa ng libro ng lumapit ang isa sa mga katulong nila. 

"Maam tumawag po ang guard sa guest entrance may gusto daw pong makipag-usap sa inyo." bigay impormasyon nito sa amo.

Nagtatakang binalingan ni Divina si Dennis na paakyat sana sa ikalawang palapag. 

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon