Chapter 30 part 2

136K 1.5K 61
                                    

Chapter 30 part 2

Kinaumagahan ay parehong tahimik ang mag-ina habang kumakain. Pinakikiramdaman ni Eliza ang anak, alam niya masama ang loob nitosa kanya dahil hindi sya sang-ayun sa lalaking nagugustuhan nito.

Tunog ng telepono ang bumasag sa katahimikan. 

Agad na tumayo si Emer hindi na niya hinintay si Nana Salud para ito ang sumagot. 

"Mama Divina napatawag po kayo?" nagtatakang tanong ni Emer. Hindi ito tatawag ng napakaaga kung hindi importante ang sasabihin.

"May sasabihin sana ako sayo hija."

"Ano po yun?" Natakot si Emer dahil baka sabihin nito na hindi na nila itutuloy ang kasal.

"I want to talk to you in person. Kailan ka pwede?" ayaw ni Divina na sabihin kay Emer over the phone, nag iingat rin sya na hindi sila maririnig ni Dennis.

Walang kamalay malay si Emer na sinundan sya ng kanyang Mama at tahimik na nakatayo ito sa di kalayuan. 

"Sorry po pero hindi ako pwede ngayon, nandito si Mama and I want to spend time with her." hinging paunmanhin ni Emer.

"Okay just let me know hija kung kailan ka pwede." ibinaba na ni Divina ang telepono sa kabilang linya.

Si Eliza naman ay bumalik na sa dining room bago pa sya makita ng anak. 

Nang makabalik si Emer ay inabutan ang ina na tahimik na kumakain. 

"Sino yung tumawag anak?" hindi na nakatiis si Eliza.

Natigilan si Emer sa akmang pagsubo. Ayaw niyang magsinungaling sa ina dahil alam niya kahit anong mangyari ay ito ang kakampi niya.

"Si Mrs. Almonte Mama, gusto daw niya akong makausap." alanganing sabi ni Emer.

Tumango lang ang ginang. "Nakilala mo na rin pala ang mga magulang ni Dennis, kung hindi pa ako pumunta dito hindi ko malalaman ang tungkol sa kanya." nagtatampong sabi ni Eliza sa anak.

"Mama hwag ka ng magtampo please." sabay pisil  ni Emer sa kamay ng anak.

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon