"Adriana?" Papunta na sana si Dominic sa direksyon ni Adriana ngunit hindi ito pinakawalan ni Belle.

"Nic, stay with me. Niloloko lang tayo ng babaeng 'yan. Please, believe me."

"Guard, paalis niyo sila. They messed up my wedding." Utos ni Belle mula doon sa kalalakihan na nagbabantay sa kasal nila.

"Don't you dare to hurt her. Mapapatay ko talaga kayo." Panakot ni Dominic nang lapitan ng mga lalaki ang kanyang minamahal na babae.

"Paalisin niyo ang babaeng 'yan." Utos ni Belle habang takot na takot. Nagsilapitan pa rin ang mga kalalakihan para itaboy si Adriana ngunit dumating ang kapulisan para protektahan ito.

"You can't hurt me anymore, Anabelle Celocia. Naka ayon na sa akin ang lahat." Nakangiting saad ni Adriana at lumapit sa kanila.

"Ang landi mo talaga Adriana. Pati ba naman sa kasal ko ay sisirain mo sa harap ng mapapangasawa ko." Galit na sigaw ni Belle.

"Wala pa akong ginagawa Belle. Sinisira mo ang sarili mo for copying my whole personality at pagkuha ng mga bagay na dapat ay sa akin."

"Dominic, don't listen to her. I am the real Ana, you're childhood best friend." Pagmamakaawa ni Belle sa kanyang fiance na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari.

"I'm so confused. Sino ba talaga? Who is my childhood best friend?" Sigaw ni Dominic na litong lito na sa pagtatalo ng dalawang babae.

"I met you at the Park nine years ago. You promised me na babalikan mo pero magpapakasal ka lang pala sa babaeng 'yan." Pakilala ni Adriana na mukhang disappointed sa kanyang ex.

"Adriana, I am so sorry. Hindi ko intensyong sakyan ka." Lumapit si Dominic kay Adriana ngunit pinigilan ito ni Belle.

"Nic, why did you apologize to her. Niloloko lang tayo ng babaeng 'yan."

"That is Ana's necklace?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dominic nang makita ang suot na necklace ni Adriana na pagkakakilala kay Ana Monreal.

"Yes, this is mine. My dad gave me this necklace when I was seven." Proud na sambit ni Adriana at ngumiti kay Belle habang hindi makapaniwala na nakuha ang necklace mula sa kanya. Nakuha ito ni Adriana noon nahulog ito sa hagdan para maalalala na niya ang lahat.

"Dominic, I'm the real Ana. Ninakaw niya ang kwintas ko para baliktarin ang lahat." Yumakap ito kay Dominic ngunit agad iyong tinabig na para bang nahihirapan na magtiwala sa babaeng akala niyang kaibigan.

"Yes Belle, your name was also Ana. But you are not qualified to be part of my family dahil ni dugo namin ay walang tumatagaytay sa'yo." Matapang na sambit ni Adriana at sinampal sa mukha niya ang ilang dokumento na magpapatunay na hindi match si Anabelle kay Mr. Monreal sa tulong ng pagkuha ng hair sample ni Yuri.

"Nagsisinungaling ka Adriana."

"Si Anabelle ang tunay na Ana."

"Sinisira mo lang ang kasal nila dahil hindi ikaw ang pinili." Pagtatanggol ng mga supporter ni Belle dahilan para mapatawa ang mga kaibigan ni Adriana.

"You can check the result naman. Negative ang DNA test mo while positive ang kay Adriana. Ang kaibigan ko ang tunay na Ana Monreal." Paliwanag ni Ava habang tinuturo ang isang envelope na isinampal ni Adriana kay Belle.

"Dad, please believe me." Pagmamakaawa ni Belle kay Mr. Monreal habang binubuklat ang envelope.

"Negative?" Nagulat ang pamilyang Monreal dahil negative nga ang result ng DND test ng taong akala nila ay kapamilya.

"Dad, gawa gawa lang nila 'yan. Binaliktad lang nila ako upang masira ang kasal namin." Kinuha ni Belle ang mga dokumento at pinunit.

"Adriana, totoo ba na ikaw ang anak ko?" Tanong ni Mr. Monreal habang naluluha. Lumapit ito kay Adriana ngunit pinigilan naman ni Belle.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now