"Mas masarap kang halikan." Bulong niya tumawa ng hagot.

"Whatever!" Pumikit na ako at hindi siya pinansin.

"Tinulugan na ako!"

"Miss Goddess!"

"Makinig ka na lang sa kwento ko." Bulong niya sa akin dahilan para ako'y makiliti.

"Once upon a time, may isang gwapong lalaki ang nagkagusto sa isang babae." Kuwento niya dahilan para mawalan ako ng choice na makinig sa kanya.

"He loved the girl too much. Ngunit nasaktan ang lalaki nang ma-realize niya na hindi ito mahal ng babaeng gusto niya."

"Anong pangalan ng babae?" Tanong ko dahil mukhang tinutukoy nito ang kuwento ng kanyang buhay.

"Si E!" Sagot ni Dominic dahilan para tumama ang hinala ko. Si Eunice ang tinutukoy niyang nanakit sa kanya.

"Halos nasa kanya na ang lahat pero sa babae lang nagpakatanga."

"Anong name ng lalaki?" Muli kong tanong para mapaisip si Dominic. Si 'D' ba?

"He's I!" Pakilala niya para mapaisip ako. Hindi naman nagsisimula sa 'I' ang pangalan niya.

"Habang naglalakad si I, he saw a girl crying. Kaya nilapitan niya ito at ibinigay ang kanyang paboritong panyo. Kahit hindi niya ito kilala ay naging magaan ang loob niya sa babae." Kuwento niya dahilan para maging interesado ako.

"Anong pangalan nung girl?"

"Si U!" Kahit ibahin ni Dominic ang pangalan ng bawat character na tinutukoy niya ay alam kong kami pa rin iyon.

"Lumipas ang ilang araw, 'U' and 'I' met again at the mall. Lumapit si 'I' sa babae para tulungan ngunit hindi niya alam na hahalikan pala siya nito."

"Ang landi naman ni 'U'." Reklamo ko sa kahihiyang ginawa ko noon.

"Kasing landi mo ba?" Natatawang tanong niya sa akin dahilan para hampasin ko.

"Excuse me, kung malandi ako sana akin ka na." Mataray kong sambit sa kanya.

"Hindi alam ni 'U' na sikat pala ang lalaking hinalikan niya sa Mall. Kaya maraming babae ang galit dito."

"When 'I' found out na binubully si 'U' ay inakit niya ito na magpanggap bilang fake girlfriend at fake boyfriend."

"Totoong kwento ba iyan?" Tanong ko muli para tumango si Dominic.

"Oo, bakit?"

"Para kasing hindi makatotohan ang love story nila." Reklamo ko.

"Unique ang story nila."

"Yung pagpapanggap nila ay unti-unting naging makakatotoohan. Until they liked each other." Masayang kwento ni Dominic dahilan para mapangiti ako.

"Minahal ba ni 'I' si 'U'?" I want to know his answer. Minahal mo ba talaga ako?

"Yes, more than his life."

"Anong kasunod? Happy ending ba or sad ending?" Ang tanga ko sa part na ako na mismo ang gumagawa ng ikakasakit ko.

"Kahit anong higpit ng pinagsamahan nila hindi talaga mawawalan ng problema." Malungkot na sambit ni Dominic.

"Nagbreak si 'U' and 'I'." Saad niya at nagpanggap ito na hindi naapektuhan.

Ramdam ko ang pagkirot ng aking dibdib. Gustong mahulog ng mga luha ko ngunit pagod na akong ilabas ang mga ito.

"Hindi ba sila nagkatuluyan?"

"Hindi na because 'you' have a boyfriend and 'I' have a fiance." Sambit niya habang nanunubig ang mga mata.

"Sad naman. Hindi nagtapos sa happily ever after."

"Puwede pa naman maging happy ending." Saad niya na para bang nabuhayam.

"Paano naman?"

"Kung pagtatagpuin muli sila." Saad niya kasabay ang pagkindat.

"I think, hindi na."

"Bakit naman?" Tanong ni Dominic at sumandal sa balikat ko.

"Paano kung ayaw na ng babae?" Tanong ko para mapasimangot ito.

"E di pipilitin ng lalaki."

"Eh kung ayaw na nga talaga ng babae." Pamimilit ko.

" 'I' will do everything just for 'U'. Gagawa ng paraan si 'I' mapatawad lang siya."

"End na ang story nila." Para akong bitter na ayaw ipagpilitan na kami talaga para sa isa't isa.

"Sino bang may sabi sa'yo na tapos na story nila? Ongoing pa lang story nila." Paliwanag ni Dominic.

" 'I' will be the first and last man on the last chapter of U's life." Dagdag niya dahilan para kiligin naman ako.

"Ano bang story title ni 'U' and 'I'?"

"THEY MET AT FIRST KISS!" Nakangiti niyang sagot dahilan para maghalo halo ang nararamdaman ko.

"Bakit iyan?"

"Kung hindi hinalikan ni 'U' si 'I' hindi nila makikilala ang isa't isa."

They Met At First KissWhere stories live. Discover now